Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 28: Ang Propetang Joseph ay Nagpuntang muli sa Missouri: (Marso–Mayo 1832)


Kabanata 28

Ang Propetang Joseph ay Nagpuntang muli sa Missouri

(Marso–Mayo 1832)

Joseph hearing the Lord’s voice

Nagbigay si Jesus kay Joseph ng isang paghahayag. Sinabi niya na ang mga Banal ay parang kanyang maliliit na anak. Sila ay natututo pa lamang. Sinabi ni Jesus na dapat silang maging maligaya. Dapat silang maging mapagpasalamat. Siyaang magiging pinuno nila.

Saints building a house

Ibig ni Jesus na ang mga Banal ay magbigayan sa isa’t isa. Ibig niya na pangalagaan nila ang mahihirap na tao. Ibig ni Jesus na ang mga Banal ay magtulungan.

Joseph greeting Missouri Saints

Pagkatapos ng paghahayag si Joseph ay agad na pumuntang muli sa Missouri. Ang Missouri ay tinawag na lupain ng Sion. Ang ilan sa mga kaibigan ni Joseph ay sumama sa kanya. Ang mga Banal sa Sion ay masayang makita si Joseph.

Joseph meeting with Saints

Hiniling ni Joseph sa mga Banal na dumalo sa isang pagpupulong. Sinabi niya sa kanila ang tungkol sa paghahayag. Alam ng mga Banal na si Joseph ang propeta ng Diyos.

Jesus speaking to Joseph

Sa pagpupulong ang Panginoon ay nagbigay kay Joseph ng isa pang paghahayag para sa mga Banal. Si Jesus ay maligaya na napatawad na ng mga Banal ang isa’t isa. Sinabi ni Jesus, “Ako, na Panginoon, ay nagpapatawad sa inyo.”

Saints harvesting fields

Nagbigay si Jesus ng isang bagong kautusan sa mga Banal. Sinabi niya na ibinigay na niya sa kanila ang lupain ng Sion. Ngayon ay dapat nilang ibahagi ang lupain sa isa’t isa. Ang bawat isa ay dapat magkaroon ng kinakailangan niya. Ito ang makatutulong sa Simbahan ni Jesucristo.

Joseph visiting Saints

Pagkatapos ng pagpupulong, dinalaw ni Joseph ang mga Banal sa maraming bayan. Masaya ang mga Banal na makita siya. Iyon ay isang masayang panahon para kay Joseph. Mahal niya ang mga Banal.

Joseph receiving revelation

Nagbigay si Jesus kay Joseph ng isang paghahayag para sa kababaihan at sa mga bata. Sinabi ni Jesus na dapat pangalagaan ng kalalakihan ang kanilang mga asawa. Dapat pangalagaan ng mga magulang ang kanilang mga anak.

Saints visiting widow

Dapat pangalagaan ng mga Banal ang kababaihan na walang asawa. Dapat pangalagaan ng mga Banal ang mga batang walang ama o ina.

Saints at Bishop’s storehouse

Sinabi ni Jesus na dapat maglagay ng pagkain sa isang bodega ang mga Banal. Dapat magbigay ang obispo ng pagkain na galing sa bodega sa mga nagugutom na tao.

Joseph and Bishop Whitney traveling

Sina Joseph Smith at Obispong Whitney ay nagsimulang bumalik sa Kirtland. Sumakay sila sa isang bagon.

horses getting scared

Isang araw, may isang bagay na kinatakutan ang mga kabayo. Tumakbo ang mga ito nang mabilis.

Bishop Whitney lying on ground

Si Joseph ay tumalon mula sa bagon. Hindi siya nasaktan. Si Obispong Whitney ay tumalon din mula sa bagon. Napilay ang kanyang binti.

Bishop Whitney lying in bed

Sina Joseph Smith at Obispong Whitney ay tumuloy sa isang bahay-panuluyan. Nagpahinga si Obispong Whitney nang apat na linggo. Sinamahan siya ni Joseph habang ang kanyang binti ay pinapagaling.

Joseph lying in bed

May isang tao sa bahay-panuluyan na naglagay ng lason sa pagkain ni Joseph. Siya ay malubhang nagkasakit.

Bishop Whitney giving Joseph a blessing

Hiniling ni Joseph kay Obispong Whitney na bigyan siya ng pagbabasbas. Ginamit ni Obispong Whitney ang kapangyarihan ng pagkasaserdote upang basbasan si Joseph. Si Joseph ay gumaling.

Bishop Whitney and Joseph praying

Pinasalamatan ni Joseph ang Diyos sa pagpapagaling sa kanya. Sa wakas, sina Joseph Smith at Obispong Whitney ay maaari nang maglakbay. Sila ay umuwi na sa kanilang mga mag-anak.