Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 56: Pinatay ang Propeta: (Hunyo 1844)


Kabanata 56

Pinatay ang Propeta

(Hunyo 1844)

judge speaking with Joseph

Sinisi ng ilang tao si Joseph Smith sa kaguluhan sa Nauvoo. Si Joseph ay ikinulong. Sinabi ng hukom na si Joseph Smith ay walang nagawang kasalanan. Pinalaya niya si Joseph.

Governor of Illinois speaking to soldiers

Ang mga mandurumog ay labis na nagalit sa hukom. Sinabi nila na papatayin nila ang hukom. Ang mga Banal sa Nauvoo ay natakot. Humingi sila ng tulong sa gobernador ng estado. Subalit ito ay tumanggi. Siya ay nagpadala ng mga kawal upang hanapin si Joseph Smith.

Hyrum and Joseph

Alam ni Joseph Smith na maaaring makulong siyang muli. Si Joseph ay natatakot na ang kanyang kapatid na si Hyrum ay makukulong din. Sinabi ni Joseph kay Hyrum na dalhin nito ang kanyang mag-anak at pumunta sa ibang lungsod. Subalitayaw iwanan ni Hyrum si Joseph.

Joseph and Hyrum

Sinabi ni Joseph na siya at si Hyrum ay dapat umalis ng Nauvoo. Kung ito ay kanilang gagawin hindi sasaktan ng mga mandurumog ang mga Banal. Kaya sina Joseph at Hyrum ay nagtungo sa kabilang ibayo ng ilog.

Joseph reading letter

Ang ilang tao ay nagsabi na si Joseph Smith ay tumakas sapagkat siya ay takot. Ang asawa ni Joseph na si Emma ay nagpapunta ng ilang kaibigan upang pakiusapan siya na bumalik. Naisip ni Joseph Smith na siya ay mapapatay kung siya ay babalik sa Nauvoo. Subalit ginawa niya kung ano ang ibig ng kanyang mga kaibigan na gawin niya.

Joseph being taken by soldiers

Bumalik sina Joseph at Hyrum sa Nauvoo. Sila ay dinakip. Dinala sila ng mga kawal kasama sina Willard Richards at John Taylor sa isang bayan na pinangalanang Carthage. Ikinulong sila sa Piitang Carthage.

Joseph and friends in Carthage Jail

Ang sumunod na araw ay ika-27 ng Hunyo 1844. Ilang kaibigan ni Joseph ang dumalaw sa kanya sa piitan. Sila ay nagbasa ng mga banal na kasulatan. Si John Taylor ay umawit ng isa sa mga paboritong awitin ni Joseph tungkol kay Jesus.

mob attacking jail

Nang bigla silang nakarinig ng ingay sa labas. Isang pagkat ng mandurumog ang bumabaril sa piitan. May higit sa isandaang kalalakihan ang mandurumog. Pinintahan nila ang kanilang mga mukha para walang makakilalang sinuman kung sino sila.

Hyrum lying dead on floor

Patakbong nilampasan ng ilan sa mga mandurumog ang mga bantay at itinulak pabukas ang pintuan ng piitan. Tumakbo silang paakyat ng hagdan. Binaril nila ang silid. Binaril nila si John Taylor subalit hindi nila siya napatay. Pinatay nila si Hyrum. Nakita ni Joseph na patay na si Hyrum. Sinabi niya, “O mahal kong kapatid na Hyrum!”.

Joseph falling out window

Tumakbo sa bintana si Joseph Smith. Binaril siya ng mandurumog. Napahiyaw siya, “O Panginoon kong Diyos.” Nahulog siya mula sa bintana. Patay na ang propeta ng Diyos.

Saints retrieving body of Joseph

Ang bangkay nina Joseph Smith at ng kanyang kapatid na si Hyrum ay dinala sa Nauvoo. Labis na nalungkot ang mga Banal. Patay na ang kanilang pinuno at propeta. Ibinigay niya ang kanyang buhay para sa ebanghelyo ni Jesucristo.

work of Joseph Smith

Maraming mahahalagang gawain ang nagawa ng Propetang Joseph Smith. Siya ang nagsalin ng Aklat ni Mormon. Siya ang nagsimula ng totoong Simbahan ni Jesucristo. Siya ang nagpadala ng mga misyonero upang magturo ng ebanghelyo sa ibang mgalupain. Siya ang nagtayo ng lungsod kung saan ang mga Banal ay maaaring manirahan. Si Joseph Smith ay mahal ng Diyos. Mahal siya ng mga Banal. Mas maraming nagawang tulong sa atin si Joseph Smith kaysa sa kaninumang tao, maliban kay Jesucristo.