Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 6: Sina Joseph at Oliver ay Binigyan ng Pagkasaserdote: (Mayo 1829)


Kabanata 6

Sina Joseph at Oliver ay Binigyan ng Pagkasaserdote

(Mayo 1829)

Joseph instructing Oliver

Isinasalin nina Joseph Smith at Oliver Cowdery ang Aklat ni Mormon. Nabasa nila ang tungkol sa pagbibinyag. Ibig nilang magkaroon ng karagdagang kaalaman tungkol sa pagbibinyag.

Joseph and Oliver praying

Nagpasiyang tanungin nina Joseph at Oliver ang Diyos. Mayroon silang pananampalataya na tutulungan sila ng Diyos na malaman ang katotohanan. Noong ika-15 ng Mayo 1829, pumunta sila sa kakahuyan at nanalangin.

John the Baptist appearing to Joseph and Oliver

Isang anghel ang bumisita kina Joseph at Oliver. Isang matinding liwanag ang nakapalibot sa anghel. Ang anghel ay si Juan Bautista. Bininyagan niya si Jesus matagal nang panahon ang nakaraan.

John the Baptist conferring the Aaronic Priesthood

Dumalaw si Juan Bautista upang ibigay ang pagkasaserdote kina Joseph at Oliver. Ang pagkasaserdote ay ang kapangyarihan ng Diyos. Binigyan niya sina Joseph at Oliver ng Pagkasaserdoteng Aaron. Ang mga saserdote sa Pagkasaserdoteng Aaron ay may kapangyarihang magbinyag ng mga tao.

Joseph baptizing Oliver

Sinabi ni Juan Bautista kay Joseph at Oliver na binyagan ang isa’t isa. Bininyagan ni Joseph si Oliver. Pagkatapos ay bininyagan ni Oliver si Joseph. Sila ay inilubog sa tubig nang bininyagan.

John the Baptist baptizing Jesus

Matagal nang panahon ang nakaraan nang binyagan ni Juan Bautista si Jesus sa ganito ring paraan. Si Jesus ay inilubog sa tubig nang siya ay bininyagan.

Joseph and Oliver

Sina Joseph at Oliver ay napuspos ng Espiritu Santo matapos silang mabinyagan. Ang Espiritu Santo ang siyang nagsabi sa kanila na malapit nang ibalik muli ang Simbahan ni Jesucristo.

Joseph and Oliver with others

Sinabi nina Joseph at Oliver sa kanilang mabubuting kaibigan na sila ay nabinyagan na. Sinabi nila sa kanila ang tungkol sa pagkasaserdote. Subalit hindi sinabihan nina Joseph at Oliver ang ibang tao. Alam nila na ang masasamang tao ay hindi maniniwala sa kanila. Ang masasamang tao ay gagawa ng gulo para sa kanila.

Peter, James, and John conferring Melchizedek Priesthood

Pagkalipas ng ilang araw, tatlo pang anghel ang dumating. Sila ay sina Pedro, Santiago, at Juan. Sila ay mga apostol ni Jesus noong matagal nang panahon ang nakararaan. Binigyan nina Pedro, Santiago, at Juan sina Joseph Smith at Oliver Cowdery ng Pagkasaserdoteng Melquisedec.

priesthood blessings

Ang pagkasaserdote ng Diyos ay nasa lupa nang muli. Ngayon ang mabubuting kalalakihan ay maaari nang magkaroon ng kapangyarihan ng pagkasaserdote. Ang kalalakihang may Pagkasaserdoteng Melquisedec ay maaaring maging pinuno ng Simbahan. Maaari nilang basbasan ang mga tao. Maaari nilang bigyan ang mga tao ng kaloob na Espiritu Santo.