Kabanata 53 Ang Diyos at ang mga Anghel (Pebrero–Abril 1843) Isang araw, isang lalaki ang dumating upang makipagkita kay Joseph Smith. Sinabi ng lalaki na siya ay nakakita ng isang anghel. Sinabi niya kay Joseph kung paano nakadamit ang anghel. Sinabi ni Joseph na nagkakamali ang lalaki. Sinabi niya na ang mga anghel ay hindi nakadamit na katulad ng pagkakasabi ng lalaki. Ang lalaki ay labis na nagalit. Inutusan niya ang apoy na bumaba mula sa langit upang sunugin ang Propeta at ang kanyang bahay. Subalit ang lalaki ay walang kapangyarihan ng Diyos. Walang apoy na bumaba mula sa langit. Si Joseph ay binigyan ni Jesus ng isang paghahayag tungkol sa mga anghel. Sinabi ni Jesus na ang mga anghel ay mga tao na nanirahan sa lupa. Sila ay namatay at nabuhay na mag-uli. Sila ay may katawan na may laman at buto. Ngayon sila ay naninirahan na kasama ang Diyos. Doktrina at mga Tipan 129:1 Sinabi ni Jesus na sinusubukan ni Satanas na linlangin ang mga tao. Kung minsan ginagawa niya na mag-isip ang mga tao na siya ay isang anghel. Sinisikap niya na makuha ang mga tao na gumawa ng masasamang bagay. Subalit nalalaman ng mabubuting tao kung kailan sila sinusubukang linlangin ni Satanas. Doktrina at mga Tipan 129:8 Di-nagtagal, sinabi ni Joseph Smith sa mga tao ang iba pang bagay tungkol sa langit. Ang mga taong mabubuti sa lupa ay maninirahan sa langit na kasama ni Jesucristo. Sa langit ay malalaman nila ang lahat ng bagay na natutuhan nila sa lupa. Doktrina at mga Tipan 130:6, 7 Sinabi ni Joseph Smith na ang lahat ng batas ng Diyos ay ginawa sa langit bago pa tayo pumarito sa lupa. May pagpapala sa bawat batas. Kailangan nating sumunod sa batas upang magkaroon ng pagpapala. Doktrina at mga Tipan 130:20–21 Sinabi ni Joseph Smith sa mga Banal ang tungkol kay Jesucristo at sa Ama sa Langit. Si Jesus ay kamukha ng tao. Siya ay nanirahan sa lupa. Siya ay namatay at nabuhay na mag-uli. Siya ay may katawan na may laman at buto. Doktrina at mga Tipan 130:22 Ang Ama sa Langit ay may katawan na may laman at buto. Siya ay nakatira sa isang maganda at kumikinang na pook. Doktrina at mga Tipan 130:7, 22; Abraham 3:4 Sinabi rin ni Joseph Smith na ang Espiritu Santo ay isang espiritu. Ang Espiritu Santo ay walang katawan na may laman at buto. Doktrina at mga Tipan 130:22