Kabanata 5 Sina Joseph Smith at Oliver Cowdery (Pebrero–Abril 1829) Sina Joseph at Emma Smith ay tumira sa maliit na sakahan na malapit sa Harmony, Pennsylvania. Dumating ang ama ni Joseph upang dalawin sila. Natuwa silang makita siya. Ang ama ni Joseph ay isang mabuting tao. Binigyan ni Jesus si Joseph ng paghahayag para sa kanyang ama. Sinabi sa paghahayag kung paano maaaring matulungan ng mga tao si Jesus. Dapat nilang mahalin si Jesus. Dapat silang maging masipag sa pagtuturo ng ebanghelyo. Dapat nilang mahalin at tulungan ang ibang tao. Doktrina at mga Tipan 4:2–6 Ang mga taong ibig maging misyonero at tumulong kay Jesus ay dapat mag-aral at matuto. Dapat silang magkaroon ng pananampalataya. Dapat silang manalangin. Sinabi ni Jesus na ang mga taong tumutulong sa kanya ay pagpapalain. Doktrina at mga Tipan 4:5–7 Umuwi sa kanilang tahanan ang ama ni Joseph. Sinikap niyang gawin ang mga bagay na ipinagagawa ni Jesus sa kanya. Kinailangang gumawa si Joseph sa kanyang bukid. Kinailangan din niyang isalin ang mga laminang ginto. Napakarami niyang gawain. Nanalangin si Joseph at humingi ng tulong sa Diyos. Sinagot ng Diyos ang kanyang panalangin. Nagpadala ang Diyos kay Joseph ng isang taong nagngangalang Oliver Cowdery. Ibig malaman ni Oliver Cowdery ang tungkol sa mga laminang ginto. Sinabi ni Joseph kay Oliver ang tungkol kay Moroni at sa mga lamina. Sinabi niya kay Oliver ang tungkol sa Aklat ni Mormon. Pinaniwalaan ni Oliver si Joseph. Sinabi ni Oliver natutulungan niya si Joseph na maisalin ang mga laminangginto. Binasa ni Joseph nang malakas ang mga salita. Isinulatnaman ni Oliver ang mga salita sa papel. Masipag na gumawasina Joseph at Oliver. Maraming bagay ang itinuro ni Jesus kina Joseph at Oliver. Sinabi niya na hindi nila dapat tangkaing magpayaman. Dapat nilang matutuhan ang tungkol sa Diyos. Sinabi niya na dapat nilang tulungan ang ibang taong matutuhan ang ebanghelyo. Sinabi ni Jesus na dapat silang magkaroon ng pananampalataya at gumawa ng mabubuting bagay. Kung gagawin nila ito, maaari silang mamuhay na kasama ang Ama sa Langit nang walang hanggan. Doktrina at mga Tipan 6:7, 8, 11, 13 Sinabi ni Jesus na si Oliver ay dapat laging maging kaibigan ni Joseph. Dapat na palagi niyang tulungan si Joseph. Sinabi ni Jesus na maaaring matutuhan ni Oliver ang magsalin tulad ni Joseph. Tutulungan si Oliver ng Espiritu Santo upang mabasa ang mga salita sa Aklat ni Mormon, subalit kailangang magkaroon ng pananampalataya si Oliver. At kailangang pag-isipan niyang mabuti ang tungkol sa mga salita. Doktrina at mga Tipan 6:18, 25; 8:1–2 Sinubukan ni Oliver na magsalin. Inakala niyang magigingmadali ito. Hindi niya pinag-isipan ang mga salita. Ibigniyang sabihin sa kanya ng Diyos ang mga salita. Hindi siyamakapagsalin. Doktrina at mga Tipan 9:1, 5, 7 Hindi na muling nagtangka si Oliver na magsalin ng Aklat ni Mormon. Isinalin ni Joseph ang mga lamina. Isinulat ni Oliver ang mga salita para kay Joseph. Sinabi ni Jesus na dapat maging masipag si Oliver sa pagtulong kay Joseph. Pagkatapos ay pagpapalain ni Jesus si Oliver. Doktrina at mga Tipan 9:14 Sinabi ni Jesus na hindi humingi ng tulong sa Diyos si Oliver sa tamang paraan. Sinabi ni Jesus kay Joseph Smith kung paano si Oliver at ang lahat ng tao ay makatatanggap ng tulong mula sa Diyos. Doktrina at mga Tipan 9:7 Kapag ang mga tao ay nangangailangan ng tulong dapat nilang isipin kung ano ang dapat gawin. Dapat silang magpasiya kung ano ang tama. Doktrina at mga Tipan 9:8 Pagkatapos dapat nilang tanungin ang Diyos kung ito ay tama. Kung ito ay tama, magkakaroon sila ng mabuting pakiramdam sa kanilang puso. Malalaman nila na ito ay tama. Doktrina at mga Tipan 9:8 Kung ito ay mali, hindi sila magkakaroon ng mabuting pakiramdam sa kanilang puso. Doktrina at mga Tipan 9:9