Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 23: Ang Doktrina at mga Tipan: (Agosto–Nobyembre 1831)


Kabanata 23

Ang Doktrina at mga Tipan

(Agosto–Nobyembre 1831)

Joseph leaving Missouri

Nilisan ni Joseph Smith at ng ilang Banal ang Missouri. Sila ay bumalik sa Kirtland, Ohio. Ang mga Banal ay nagkaroon ngkomperensiya sa Ohio.

Joseph writing revelations

Ang Panginoon ay nagbigay kay Joseph Smith ng maraming paghahayag. Isinulat ni Joseph ang mga paghahayag. Ibig ngmga Banal na ilagay ang mga paghahayag sa isang aklat. Ang aklat ay tatawaging Ang Aklat ng Mga Kautusan. Di-nagtagal ito ay tinawag na Doktrina at mga Tipan. Sinabi ni Jesus kay Joseph na ang mga paghahayag ay

Joseph speaking with member

napakahalaga. Nanggaling ang mga ito sa Diyos. Lahat ng naroroon ay totoo. Binigyan ni Jesus si Joseph ng dalawa pangpaghahayag. Ang isang sa paghahayag ay para sa pasimula ng Doktrina at mga Tipan. Ang isa naman ay para sa pangwakas. Sinasabi sa atin ng mga ito na ang Doktrina at mga Tipan ay isang mahalagang aklat.

Doktrina at mga Tipan 67: Paunang Salita; 133: Paunang Salita

modern-day chapel

Ang Doktrina at mga Tipan ay nagsasabi sa lahat ng tao na ang totoong Simbahan ni Jesucristo ay nasa lupa nang muli.

priesthood bearers giving blessing

Ang Doktrina at mga Tipan ay nagsasabi ng tungkol sa pagkasaserdote. Ang mabubuting kalalakihan ay muling mabibigyan ng kapangyarihan ng pagkasaserdote.

couple reading Book of Mormon

Ang Doktrina at mga Tipan ay nagsasabi tungkol sa Aklat ni Mormon. Maaaring basahin ng mga tao ang Aklat ni Mormon. Maaaring malaman ng mga tao ang tungkol sa ebanghelyo ni Jesucristo.

sisters sharing food

Ang Doktrina at mga Tipan ay nagtuturo rin sa mga tao na magbahagi. Ang mga Banal na magbabahagi ay mapupuspos ng Espiritu Santo.

Heavenly Father and Jesus Christ

Itinuturo ng Doktrina at mga Tipan ang mga kautusan ng Diyos. Ang mga Banal na sumusunod sa mga kautusang ito ay maaaring magtayo ng Sion. Maaari silang manirahan na kasama ng Ama sa Langit at ni Jesucristo nang walang hanggan.

people reading Doctrine and Covenants

Sinabi ni Jesus na dapat basahin ng lahat ng miyembro ng Simbahan ang Doktrina at mga Tipan.

Joseph at printing press

Pagkatapos ng komperensiya ay nagtungo si Oliver Cowdery sa Missouri. Dinala niya ang mga paghahayag na isinulat niJoseph. Ibinigay niya ito sa isang manlilimbag. Sinabi niya sa manlilimbag na maglimbag ng tatlong libong aklat, subalit pinahinto ng masasamang tao ang imprenta at winasak ang karamihan sa mga pahina.

girl holding Doctrine and Covenants

sa wakas ang Doktrina at mga Tipan ay inilathala noong 1835. Pinasalamatan ng mga Banal ang Ama sa Langit para sa mgapaghahayag sa Doktrina at mga Tipan. Nangako sila na sasabihin nila sa mga tao ang mga paghahayag na nanggaling sa Diyos.