Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 18: Ang Batas ng Simbahan: (ika-4 ng Pebrero 1831)


Kabanata 18

Ang Batas ng Simbahan

(ika-4 ng Pebrero 1831)

Joseph writing revelation

Sa Kirtland nagbigay ang Panginoon ng isang napakahalagang paghahayag kay Joseph Smith. Ito ay tinawag na batas ng Simbahan.

Doktrina at mga Tipan 42: Paunang Salita

man being ordained

Sinabi ng Panginoon na dapat ituro ng mga Banal ang ebanghelyo sa lahat ng tao. Ang kalalakihan na pupunta samisyon ay dapat maordenan sa pagkasaserdote. Dapat silang ordenan ng mga pinuno ng Simbahan.

Doktrina at mga Tipan 42: Paunang Salita, 7, 11

missionaries teaching family

Dalawang misyonero ang dapat magkasamang magturo. Ang kanilang ituturo ay dapat galing sa Biblia at sa Aklat ni Mormon. Dapat silang manalangin upang mapasakanila ang Espiritu Santo. Ang Espiritu Santo ang magsasabi sa kanila kung ano ang dapat ituro.

missionary baptizing boy

Dapat binyagan ng mga misyonero ang mga taong naniniwala sa ebanghelyo.

Church members greeting

Sinabi ng Panginoon na dapat sundin ng mga miyembro ng Simbahan ang Sampung Kautusan. Hindi sila dapat pumatay.Hindi sila dapat magsinungaling. Hindi sila dapat magsalita ng masama tungkol sa ibang tao. Hindi sila dapat gumawa ng iba pang masasamang bagay.

Saints sharing food

Dapat magbahagi ang mga Banal sa ibang tao kung ano ang mayroon sila. Ang pagbabahagi sa iba ay katulad din ng pagbabahagi kay Jesus.

Saints working

Binigyan ni Jesus ang mga Banal ng iba pang kautusan. Walang Banal ang dapat mag-isip na siya ay mas magalingkaysa sa iba. Ang mga Banal ay dapat maging malinis. Dapat silang magsumikap.

elders blessing sick girl

Dapat pangalagaan ng mga Banal ang mga miyembrong may sakit. Dapat basbasan ng kalalakihan na may pagkasaserdote ang mga miyembrong may sakit. Ang mga may sakit na miyembrong may pananampalataya ay maaaring mapagaling. Hindi sila mamamatay kung hindi pa panahon para sila ay mamatay.

man’s spirit leaving his body

Ang mabubuting Banal ay hindi dapat matakot mamatay. Ang kamatayan ay kalugod-lugod para sa mabubuting tao.

Joseph instructing the Saints

Si Jesus ay magbibigay ng maraming paghahayag sa mabubuting miyembro. Sila ay kanyang tuturuan ng maraming bagay. Malalaman nila kung paano magiging maligaya. Sinabi ng Panginoon sa mga Banal na sumunod sa mga batas ng Simbahan..