Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 42: Ang Far West, Missouri: (Enero–Hulyo 1838)


Kabanata 42

Ang Far West, Missouri

(Enero–Hulyo 1838)

men trying to kill Joseph

Ang masasamang tao sa Kirtland ay ayaw magsisi. Ibig nilang patayin si Joseph Smith. Kinailangang lisanin ni Joseph ang Kirtland. Noon ay panahon ng tagyelo at napakalamig. Sinundan ng kanyang mga kaaway si Joseph. Sila ay may mga patalim at baril na pangpatay sa kanya.

Joseph hiding

Kinailangan ni Joseph na magtago. Siya ay pinangalagaan ng Panginoon upang hindi siya matagpuan ng kanyang mgakaaway. Isang gabi si Joseph ay natulog sa isang bahay na kasama ang kanyang mga kaaway. Hindi nila alam na siya ay naroon.

Joseph walking by his enemies

Sa isa pang pagkakataon nadaanan ni Joseph ang kanyang mga kaaway sa lansangan. Sila ay tumingin sa kanya. Hindisiya nakilala ng mga ito.

Missouri Saints welcoming Joseph

Naglakbay si Joseph ng daan-daang milya. Siya ay nagtungo sa Far West, Missouri. Ang mga Banal sa Missouri aynaligayahan nang makita siya.

Church members breaking into store

Ilan sa mga pinuno sa Missouri ay hindi sumusunod sa mga kautusan ng Diyos. Ayaw nilang magsisi. Sila ay nagalit kay Joseph. Ibig nilang maging mayaman.

Joseph saddened

Si Joseph ay nalungkot. Ang mga taong ito ay mga naging kaibigan na niya. Sina Oliver Cowdery, David Whitmer at ang iba pang mga tao ay itiniwalag. Sila ay hindi na mga miyembro pa ng Simbahan ni Jesucristo.

Joseph choosing new leaders

Pumili ng ibang kalalakihan upang maging pinuno ng Simbahan sa Far West.

Jesus appearing to Joseph

Isang araw si Joseph Smith ay nagpunta sa isang dako sa Far West. Sinabi ni Jesus na ang lugar na ito ay pinangalanang Adam-ondi-Ahman. Ito ay isang natatanging pook. Dito si Jesus ay nakipag-usap kay Adan at siya ay binasbasan. Binasbasan ni Adan ang kanyang mga anak sa Adam-ondi-Ahman. Balang-araw si Jesus at si Adan at ang iba pang mabubuting tao ay magkikitang muli rito.