Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 52: Ang Kaguluhan sa Nauvoo: (Mayo–Agosto 1842)


Kabanata 52

Ang Kaguluhan sa Nauvoo

(Mayo–Agosto 1842)

men building in Nauvoo

Maraming tao ang nagtungo sa Nauvoo upang manirahan.Sila ay nagtayo ng isang magandang lungsod. Sila ay nagsimulang magtayo ng templo. Nais ng mga Banal sa Nauvoo na magkaroon ng punong-bayan para sa lungsod.

John C. Bennett

Pinili ng mga Banal si John C. Bennett na maging punongbayan ng Nauvoo. Sa una siya ay naging mabuting punongbayan. Subalit siya ay nagsimulang gumawa ng masasamang bagay. Hindi niya nagustuhan si Joseph Smith.

people meeting together

Ang mga tao sa Nauvoo ay ibig magkaroon ng isang natatanging araw ng pamamahinga. Ibig nila na ang mga kawal ay magmartsa sa isang parada.

John C. Bennett speaking to soldiers

Si John Bennett ang pinuno ng mga kawal. Siya ay nagpasiya na ang mga kawal ay magkakaroon ng isang digmaan. Itoay hindi magiging tunay na digmaan. Ito ay magiging katuwaan lamang.

John C. Bennett speaking to Joseph

Hiniling ni Ginoong Bennett na si Joseph Smith ang mamuno ng mga kawal sa digmaan. Alam ni Joseph Smith na hindi siya gusto ni John Bennett. Naisip niya na ibig siyang patayin ni Ginoong Bennett. Sinabi ng Panginoon kay Joseph na hindi siya dapat na nasa digmaan.

Joseph becoming new mayor

Nagalit si John Bennett. Ayaw na niya na maging punongbayan pa ng Nauvoo. Pinili ng mga tao si Joseph Smith upang maging punong-bayan.

John C. Bennett angry

Si John Bennett at ang ilan sa iba pang kalalakihan ay hindi ninais na maging miyembro ng Simbahan. Sila ay nagsabi ng masasamang bagay tungkol sa Propetang Joseph Smith.

Joseph envisioning the Saints in Rocky Mountains

Si Joseph Smith ay nakipag-usap sa ilang kalalakihan na miyembro ng Simbahan. Sinabi niya na ang mga Banal ay magkakaroon pa ng higit na kaguluhan. Balang-araw sila ay kakailanganing umalis ng Nauvoo. Sila ay magtutungo sa Rocky Mountains. Doon ang mga Banal ay magtatayo ng mga lungsod. Sila ay susunod sa Diyos at magiging isang makapangyarihang mga tao.