Kabanata 3 Si Anghel Moroni at ang mga Laminang Ginto (1823–1827) Lumipas ang tatlong taon matapos ang unang pangitain ni Joseph. Siya ay labimpitong taong gulang. Nag-isip si Joseph kung ano ang ibig ipagawa ng Diyos sa kanya. Isang gabi ay nanalangin si Joseph. May pananampalataya siya na sasabihinsa kanya ng Ama sa Langit kung ano ang dapat niyang gawin. Joseph Smith–Kasaysayan 1:27, 29 Nakita ni Joseph ang isang matingkad na liwanag sa kanyang silid. Isang anghel ang nakatayo sa liwanag. Ang mukha ng anghel ay napakaliwanag. Suot niya ay isang magandang damit na puti. Joseph Smith–Kasaysayan 1:30–32 Sinabi ng anghel na Moroni ang kanyang pangalan. Ipinadala siya ng Diyos upang kausapin si Joseph. Sinabi ni Moroni na may ipagagawa ang Diyos kay Joseph. Joseph Smith–Kasaysayan 1:33 Sinabi ni Anghel Moroni kay Joseph Smith ang tungkol sa isang aklat. Ang aklat ay tungkol sa mga tao sa Amerika matagal nang panahon ang nakararaan. Si Jesucristo ay pumunta sa mga taong ito. Tinuruan niya sila ng kanyang ebanghelyo. Joseph Smith–Kasaysayan 1:34 Sinabi ni Moroni na ang aklat ay nakasulat sa mga pahinang ginto. Ang mga pahinang ginto ay tinatawag na lamina. Ang aklat ay isinulat sa wikang hindi natin alam ngayon. Ibig ng Diyos na isalin ni Joseph ang aklat. Isasalin ito ni Joseph sa wikang Ingles. Joseph Smith–Kasaysayan 1:34–35 Sinabi ni Anghel Moroni na ang mga lamina ay nakatago sa isang burol na malapit sa bahay ni Joseph. Ang mga ito ay nakabaon sa mundo. Sinabi ni Moroni na may dalawang batong nakatago kasama ng mga laminang ginto. Ang mga bato ay tinatawag na Urim at Thummim. Ang mga bato ay makatutulong kay Joseph na maisalin ang aklat. Joseph Smith–Kasaysayan 1:34–35, 42, 51 Sinabi ni Moroni kay Joseph ang tungkol kay Elijah. Si Elijah ay isang dakilang propeta na nabuhay matagal nang panahon ang nakararaan. Si Elijah ay may pagkasaserdote. Ang kuwento ni Elijah ay nasa Lumang Tipan. Sinabi ni Moroni na si Elijah ay babalik muli sa lupa. Sasabihin ni Elijah sa mga tao na alamin nila ang tungkol sa kanilang mga ninuno. Ang mga ninuno ay ating mga kaanak na naunang nabuhay sa atin. Joseph Smith–Kasaysayan 1:38–39; Doktrina at mga Tipan 2:1–2 Sinabi ni Moroni kay Joseph ang tungkol sa pagkasaserdote. Ang pagkasaserdote ay kapangyarihan ng Diyos. Sinabi ni Moroni na ibabalik ni Elijah ang kapangyarihan ng pagkasaserdote sa mundo. Ang kapangyarihan ng pagkasaserdote ay makatutulong sa mabubuting mag-anak. Sila ay maaaring pagbuklurin. Pagkatapos ay maaari silang mabuhay na magkakasama nang walang hanggan. Umalis na si Moroni. Joseph Smith–Kasaysayan 1:38–39, 40; Doktrina at mga Tipan 2:1–2 Si Anghel Moroni ay bumalik pa nang dalawang ulit nang gabing iyon. Marami siyang sinabi kay Joseph sa bawat pagdalaw. Siya ay umalis nang mag-uumaga na. Bumangon si Joseph at gumawa sa bukid na kasama ang kanyang ama. Joseph Smith–Kasaysayan 1:43–49 Pagod na pagod si Joseph kaya’t hindi siya makagawa. Natumba siya. Habang siya ay nakahiga, si Moroni ay muling dumating. Sinabi ni Joseph sa kanyang ama ang mga bagay na itinuro ni Moroni sa kanya. Naniwala ang ama ni Joseph sa kanya. Alam niya na ipinadala ng Diyos si Moroni. Sinabi niya kay Joseph na sundin si Moroni. Joseph Smith–Kasaysayan 1:48, 50 Umalis si Joseph upang hanapin ang mga laminang ginto. Pumunta siya sa isang burol malapit sa kanyang tahanan. Iyon ay ang Burol Cumorah. Ang mga laminang ginto ay naroon. Ang mga ito ay nakabaon sa ilalim ng malaking bato. Ang mga ito ay nasa loob ng isang kahon na bato. Ang Urim at Thummim ay nasa loob din ng kahon. Joseph Smith–Kasaysayan 1:51–52 Si Anghel Moroni ay pumunta kay Joseph. Hindi niya pinayagan si Joseph na iuwi ang mga laminang ginto. Sinabi niya kay Joseph na bumalik sa burol sa gayon ding araw sa bawat taon sa loob ng apat na taon. Joseph Smith–Kasaysayan 1:53 Sinunod ni Joseph si Moroni. Pumunta siya sa Burol Cumorah bawat taon. Tinuruan siya ni Moroni roon. Sinabi ni Moroni kay Joseph ang tungkol sa totoong Simbahan ni Jesucristo. Sisimulan muli ni Jesus ang kanyang Simbahan sa mundo. Joseph Smith–Kasaysayan 1:54 Noong 1827, ibinigay ni Moroni ang mga laminang ginto kay Joseph. Naghintay si Joseph nang apat na taon upang makuha ang mga lamina. Sinabi ni Moroni kay Joseph na ingatang mabuti ang mga lamina. Joseph Smith–Kasaysayan 1:59 Iniuwi ni Joseph ang mga laminang ginto. Ibig niyang maingatang mabuti ang mga ito. Tinangkang makuha ang mga ito ng masasamang tao. Itinago ni Joseph ang mga laminang ginto kung saan hindi ito matatagpuan ng masasamang tao. Tinulungan ng Diyos si Joseph na mapanatiling ligtas ang mga laminang ginto. Joseph Smith–Kasaysayan 1:60