Kabanata 47 Si Joseph Smith Ay Humingi Ng Tulong sa Pangulo (Marso–Nobyembre 1839) Si Joseph Smith ay sumulat sa mga Banal habang siya ay nasa Piitang Liberty. Sinabi niya sa kanila na isulat ang tungkol sa masasamang bagay na ginawa ng mga mandurumog sa kanila. Dapat ipadala nila kung anuman ang kanilang mga naisulat sa mga pinuno ng bansa. Doktrina at mga Tipan 123:1, 4, 6 Sinabi ni Joseph sa mga Banal na isulat ang mga pangalan ng masasamang tao na nanakit sa kanila. Dapat nilang sabihin kung paano winasak ang kanilang mga tahanan at sakahan. Doktrina at mga Tipan 123:1–3 Isang araw dinala ng mga bantay si Joseph at ang kanyang apat na kaibigan sa ibang piitan. Bumili si Joseph at ang kanyang mga kaibigan ng dalawang kabayo sa mga bantay. Binigyan nila ang mga ito ng damit bilang kabayaran ng isang kabayo. Sila ay nangako na babayaran pa kinalaunan angisang kabayo. Isang gabi apat sa bantay ang nalasing at nakatulog. Isanamang bantay ang tumulong kay Joseph at sa kanyang mgakaibigan na makatakas. Si Joseph at ang kanyang mga kaibigan ay nagsalitan sa pagsakay sa mga kabayo. Sila ay nagpunta sa Quincy, Illinois. Inabot sila ng sampung araw bago nakarating doon. Natagpuan ni Joseph at ng kanyang mga kaibigan angkanilang mga mag-anak. Sila ay naligayahan na makapilingsilang muli. Ibig ng mga Banal na makahanap ng isang lugar sa Illinois upang pagtayuan ng isang lungsod. Sila ay bumili ng ilang lupain sa tabi ng Ilog ng Mississippi. Ang lupain ay basa at maputik. Si Joseph at ang mga Banal ay lumipat doon. Sila ay puspusang gumawa upang patuyuin ang lupa. Sila ay nagtayo ng mga tahanan at nagtanim ng mga halamanan. Sila ay nagtayo ng isang magandang lungsod. Pinangalanan nila ang lungsod ng Nauvoo. Ang ibig sabihin ng Nauvoo ay isang magandang pook. Di-nagtagal, si Joseph ay nakipagkita sa pangulo ng Estados Unidos. Sinabi ni Joseph sa pangulo ang tungkol sa mga mandurumog sa Missouri. Sinabi niya kung paano sinunog ng mga masasamang tao ang mga tahanan ng mga Banal at ninakaw ang kanilang mga hayop. Sinabi ni Joseph na ang ilan sa mga Banal ay napatay. Ang ibapang Banal ay ikinulong sa piitan. Ipinakita niya sa pangulokung ano ang isinulat ng mga Banal. Sinabi ni Joseph na ayawtulungan ang mga Banal ng mga pinuno sa Missouri. Hinilingni Joseph sa pangulo na tulungan ang mga Banal atparusahan ang kanilang mga kaaway. Sinabi ng pangulo na alam niya na nagdurusa ang mga Banal. Subalit ayaw niyang gumawa ng anumang bagay upang sila ay matulungan. Kung siya ay tutulong sa mga Banal, magagalit ang mga tao sa Missouri. Si Joseph ay nalungkot sapagkat ayaw tumulong ng pangulo sa mga Banal. Tanging ang Ama sa Langit lamang ang tutulong sa kanila.