Kabanata 30 Isang Paghahayag Tungkol sa Digmaan (ika-25 ng Disyembre 1832) Maraming tao ang nabibinyagan sa Simbahan ni Jesucristo. Ang ebanghelyo ay nakapagpaligaya sa kanila. Subalit ang mga Banal ay nag-alala tungkol sa mga bagay na nangyayari sa ibang mga lupain. Mga nakalulungkot na bagay ang nangyayari sa maraming lugar sa daigdig. May mga lindol. Ang mga tao ay may sakit. Maraming tao ang nangamamatay. Mga nakalulungkot na bagay din ang mga nangyayari sa Estados Unidos. Ang ilang tao ay ayaw maging bahagi ng Estados Unidos. Ibig nilang magkaroon ng sariling mga pinuno. Sa araw ng Pasko, noong 1832, nagbigay si Jesus kay Joseph Smith ng isang paghahayag. Ang paghahayag ay tungkol sadigmaan. Doktrina at mga Tipan 87 Sinabi ni Jesus na magkakaroon ng digmaan sa Estados Unidos. Ang mga tao sa Estados Unidos ay makikipaglabansa isa’t isa. Doktrina at mga Tipan 87:1–3 Di-magtatagal ay magkakaroon din ng digmaan sa iba pang mga lupain. Magkakaroon ng labanan sa buong daigdig. Sinabi ni Jesus na ang mga Banal ay dapat maging mabuti. Dapat silang maging handa para sa kanyang muling pagparito sa mundo. Doktrina at mga Tipan 87:3–8 Nalungkot si Joseph na malaman na magkakaroon ng mga digmaan. Alam niya na dapat sundin ng mga tao ang mga kautusan ng Diyos. Pagkatapos ay hindi sila makikipaglaban at magkakaroon ng digmaan.