Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 33: Isang Paghahayag Tungkol kay Jesucristo: (Mayo 1833)


Kabanata 33

Isang Paghahayag Tungkol kay Jesucristo

(Mayo 1833)

Joseph receiving revelation

Isang araw si Jesus ay nakipag-usap sa Propetang si Joseph Smith. Sinabi niya kay Joseph Smith ang tungkol sa kanyang sarili. Sinabi ni Jesus na maaaring makita ng mga tao ang kanyang mukha at makilala siya. Una, kailangan nilang tigilan ang paggawa ng masasamang bagay. Sila ay kailangang manalangin at sumunod sa mga kautusan ng Diyos. At balangaraw maaari nilang makita si Jesus.

Jesus Christ

Sinabi ni Jesus na siya ang ilaw ng sanlibutan. Ang ilaw ay nagtuturo sa atin ng tamang landas kung saan tayopatutungo. Si Jesus ang ilaw ng sanlibutan sapagkat itinuturo niya sa atin ang tamang paraang mamuhay.

Jesus creating the earth

Si Jesus ay nanirahan na kasama ang Ama sa Langit bago pa nilikha ang mundo. Si Jesus ang lumikha ng mundo. Siya ang lumikha ng lahat ng bagay na nandito sa mundo.

young Jesus praying

Noong una si Jesus ay hindi katulad ng kanyang Ama sa Langit. Hindi niya alam ang lahat ng bagay na alam ng kanyang Ama. Wala siyang lahat na kapangyarihan at kaluwalhatian na tinataglay ng kanyang Ama. Sinikap niyang maging katulad ng kanyang Ama. Pagkatapos siya ay naging katulad ng Diyos, ang Ama. Si Jesus ay nagkaroon ng kapangyarihan at kaluwalhatian.

Joseph seeing Jesus in the heavens

Sinabi ni Jesus na tayo ay dapat sumunod sa mga kautusan ng Diyos. Pagkatapos matututuhan natin ang katotohanan. Malalaman natin ang lahat ng bagay. Pagkatapos maaari nating makatulad ang Diyos, ang Ama. Tayo ay maaaring magkaroon ng kapangyarihan at kaluwalhatian.

Joseph teaching his family

Sinabi ni Jesus na ayaw ni Satanas na ang mga tao ay maging katulad ng Diyos. Ayaw niya na malaman nila angkatotohanan. Sinabi ni Jesus kay Joseph na turuan niya ang kanyang mag-anak ng katotohanan.

Sidney Rigdon teaching his family

Sinabi ni Jesus na sina Sidney Rigdon at Frederick G. Williams ay dapat magturo sa kanilang mag-anak na sumunod sa mga kautusan ng Diyos. Sa ganoon hindi mapipigilan ni Satanas ang kanilang mag-anak na malaman ang katotohanan.