Introduction Bago pa Magkaroon ng Doktrina at mga Tipan Nakatira tayo sa langit bago tayo pumarito sa lupa. Ibinigay sa atin ng ating Ama sa Langit ang plano ng kaligtasan. Angplano ng kaligtasan ay nakatutulong na ating makapaghanda na muling makapanirahan sa langit. Kung susundin natin ang plano, maaari tayong mabuhay na kasama ng Ama sa Langit matapos tayong mabuhay na mag-uli. Nanirahan tayo sa langit na kasama si Jesus. Ibig Niyang sundin ang plano ng Ama sa Langit. Sinabi ni Jesus na paparito siya sa lupa at siya ay magiging Tagapagligtas natin. Gagawin niya ang mga gawain ng Ama sa Langit. Kasama rin nating nanirahan sa langit si Satanas. Subalit siya ay masama. Ayaw niyang sumunod sa plano ng Ama sa Langit. Pinaalis ng Ama sa Langit si Satanas sa langit. Ibig wasakin ni Satanas ang plano ng kaligtasan. Ibig niyangpigilin ang gawain ng Ama sa Langit. Nilikha ni Jesus ang mundo. Ang mga anak ng Ama sa Langit ay pumarito upang manirahan. Nagpadala ng mga propeta si Jesus upang turuan silang maging mabuti. Ang ilan sa mga tao ay sumunod sa mga propeta. Ang ibang tao sa mundo ay ayaw makinig sa mga propeta. Ang mga taong ito ay sumunod kay Satanas. Sila ay naging masama. Ang Lumang Tipan ay nagkukuwento tungkol sa mga taong nakatira sa Palestina matagal nang panahon ang nakalilipas.Ang mga taong iyon ay alam ang tungkol kay Jesus. Ang mabubuting tao noon ay may ebanghelyo niya. Angmabubuting kalalakihan noon ay may pagkasaserdote. Itinuro ng mga propeta sa mga tao na si Jesus ay paparito sa mundo. Siya ang magiging Tagapagligtas nila. Ang Aklat ni Mormon ay nagkukuwento tungkol sa mga taong nanirahan sa Amerika matagal nang panahon ang nakalilipas.Alam nila ang tungkol kay Jesus. Nasa kanila ang kanyang ebanghelyo. Ang mabubuting kalalakihan noon ay may pagkasaserdote. Itinuro ng mga propeta sa mga tao sa Amerika na si Jesus ang magiging Tagapagligtas nila. Dadalaw siya sa kanila matapos siyang mabuhay na mag-uli. Si Jesucristo ay pumarito upang manirahan sa mundo. Ang Bagong Tipan ay nagkukuwento tungkol sa buhay niya sa mundo. Itinuro ni Jesus ang kanyang ebanghelyo sa mga tao. Tinuruan niya silang sumunod sa mga kautusan ng Ama sa Langit. Pumili ng labindalawang kalalakihan si Jesus upang maging mga Apostol. Binigyan niya sila ng pagkasaserdote. Sinimulanniya ang kanyang Simbahan. Maraming tao ang nagmahal kay Jesus. Sila ay mabubuti at sumunod sa kanyang mga aral. Ayaw ni Satanas na sundin ng mga tao si Jesus. Tinukso ni Satanas ang mga tao, at sila ay naging masama. Ayaw nilang maniwala kay Jesus. Kinasuklaman nila si Jesus. Siya ay kanilang pinatay. Matapos ang tatlong araw, nabuhay na mag-uli si Jesus. Nakipag-usap siya sa kanyang mga Apotol. Sinabi niya sa kanila na ituro ang kanyang ebanghelyo sa lahat ng tao. Dinalaw rin ni Jesus ang mabubuting tao sa Amerika.Pagkatapos, pumunta siya sa langit upang makasama ang kanyang Ama. Ang mga Apostol ang mga pinuno ng Simbahan ni Jesucristo. Pumunta sila sa maraming lupain. Tinuruan nila ang mga tao ng ebanghelyo. Maraming tao ang naniwala kay Jesus at nabinyagan. Binigyan ng mga Apostol ang mabubuting kalalakihan ng pagkasaserdote. Nagkaroon ng maraming miyembro ang totoong Simbahan ni Jesucristo. Nais ni Satanas na wasakin ang Simbahan ni Jesucristo. Tinukso niya ang mga tao, at sila ay sumunod sa kanya. Maraming tao ang tumigil sa paniniwala kay Jesus. Pinatay ng masasamang tao ang mabubuting miyembro ng Simbahan.Pinatay nila ang mga Apostol. Wala nang mga pinuno sa Simbahan. Wala ni isa sa mundo ang makapagbibigay ng pagkasaserdote sa kalalakihan. Binago ng ilang tao ang mga aral ng Simbahan ni Jesucristo. Binago nila ang mga kautusan ng Diyos. Nawala na ang totoong Simbahan na sinimulan ni Jesus. Nagsimulang magtatag ng kani-kanilang simbahan ang mga tao. Subalit wala ni isa sa mga simbahang ito ang totoong Simbahan. Lumipas ang ilang daang taon. Nagkaroon ng maraming iba’t ibang simbahan sa mundo. Subalit wala ni isa sa mga simbahang ito ang totoong Simbahan ni Jesucristo. Ang mga miyembro ng mga simbahan ay naniwala kay Jesucristo.Subalit hindi nagkaroon ng totoong ebanghelyo ang mga simbahang ito. Wala silang pagkasaserdote ng Diyos. Wala silang mga propeta o Apostol. Sinabi ni Jesus na siya ay paparitong muli sa mundo. Sinabi niya na ang kanyang totoong simbahan ay kailangang nasalupa bago siya pumarito muli. Kailangang malaman ng mga tao ang kanyang totoong ebanghelyo. Ang kalalakihan ay kailangang magkaroon ng pagkasaserdote. Kailangang magkaroon ng mga propeta at Apostol. Kinakailangang magkaroon ng mga paghahayag. Ang mga paghahayag ay nagmumula kay Jesus. Sinasabi sa atin ng mga paghahayag ang mga bagay na ibig ni Jesus namalaman. Sinasabi ng mga ito kung ano ang ibig niyang ipagawa sa atin. Nagbibigay ng mga paghahayag si Jesus sa kanyang mga propeta. Ang mga paghahayag ay para sa totoo niyang Simbahan. Ang Doktrina at mga Tipan ay isang aklat ng mga paghahayag. Ang Doktrina at mga Tipan ay nagkukuwento tungkol sa totoong Simbahan ni Jesucristo. Nagkukuwento ito tungkol sa pagkasaserdote. Ito ay nagkukuwento tungkol sa mga propeta at mga Apostol. Ang Doktrina at mga Tipan ay nagsasabi sa atin kung ano ang kailangan nating gawin upang makapaghanda sa muling pagparito ni Jesus. Ang aklat na inyong binabasa ay tungkol sa Doktrina at mga Tipan. Ang aklat na ito ay nagkukuwento tungkol sa ilang mga paghahayag. Nagkukuwento ito kung paano ibinalik ang totoong Simbahan ni Jesucristo dito sa lupa. Nagkukuwento rin ito tungkol sa ilang taong nabuhay noong magsimula ang Simbahan.