Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 62: ANG MGA TAGABUNSOD AY PUMUNTA SA LAMBAK NG SALT LAKE: (Hunyo 1846–Hulyo 1847)


Kabanata 62

Ang mga Tagabunsod ay Pumunta sa Lambak ng Salt Lake

(Hunyo 1846–Hulyo 1847)

Brigham Young speaking with man

Ang mga tagabunsod ay nasa Council Bluffs pa. Sila ay nangailangan ng maraming malakas na kalalakihan upang matulungan silang maglakbay. Karamihan sa mga kabataang lalaki ay napasama sa Batalyong Mormon. Kaya nagpasiya ang mga tagabunsod na huwag munang magpunta ng Rocky Mountains hanggang sa pagsapit ng tagsibol.

man and woman building and planting

Hinayaan ng mga Indiyan ang mga Banal na magkaroon ng ilang lupain sa kabilang panig ng ilog. Doon ang mga Banal ay nagtayo ng isang bayan na pinangalanan na Winter Quarters. Sila ay gumawa ng mga lansangan at nagtayo ng mga bahay. Ang ilan sa mga bahay ay gawa sa troso. Ang ibang bahay ay nasa mga kuweba sa tabi ng mga burol.Nagtanim ang mga tagabunsod.

Saints building fence

Hinati-hati ni Brigham Young ang lungsod sa mga purok. Siya ay namili ng kalalakihan na magiging mga obispo. Ang ilang Indiyan ay gumawa ng mga kaguluhan para sa mga tagabunsod. Ang mga tagabunsod ay nagtayo ng pader sapaligid ng lungsod upang maitaboy ang mga Indiyan na nanggugulo.

Brigham Young speaking with the Lord

Habang ang mga tagabunsod ay nasa Winter Quarters si Brigham Young ay nagkaroon ng isang paghahayag. Sinabi sa kanya ng Panginoon kung paano dapat maghanda ang mga tao sa pag-alis. Sinabi niya kay Brigham Young kung ano ang dapat gawin ng mga tao habang sila ay naglalakbay.

Saints speaking with one another

Sinabi ng Panginoon na dapat hati-hatiin ang mga tao sa maliliit na pagkat. Ang bawat pangkat ay magkakaroon ng isang pinuno. Ang mga tao ay dapat sumunod sa kanilang mga pinuno. Dapat nilang tulungan ang isa’t isa. Dapat nilang alagaan ang mga mag-anak na wala nang ina o ama.

men separating food and building wagons

Ang bawat pangkat ay dapat magkaroon ng sariling bagon at pagkain. Ang bawat pangkat ay dapat magkaroon ng mga tao na marunong magkumpuni ng mga bagon, magtayo ng mga bahay, magtanim, at magtayo ng mga tulay.

one Saint returning hammer to another

Sinabi ng Panginoon sa mga Banal ang iba pang bagay na dapat nilang gawin. Dapat nilang sundin ang kanyang mga kautusan. Dapat nilang tuparin ang kanilang mga pangako sa isa’t isa. Hindi sila dapat magsabi ng masasamang bagay tungkol sa isa’t isa. Sila ay dapat maging tapat. Dapat nilang ibalik ang mga bagay na kanilang hiniram o napulot.

Saints singing and dancing

Nais ng Panginoon na maging maligaya ang mga tagabunsod. Sinabihan niya sila na umawit at sumayaw nang sama-sama. Sila ay hindi dapat matakot. Tutulungan niya sila. Sinabi niya sa kanila na sila ay magkakaroon ng mga kaguluhan. Subalit ang kanilang mga kaguluhan ang gagawa sa kanila na maging mas mabubuting tao. Sila aypagpapalain.

Brigham Young speaking to two men

Ginawa ni Brigham Young kung ano ang sinabi sa kanya ng Panginoon na gawin. Hinati-hati niya ang mga tao sa mga pangkat. Ang bawat pangkat ay mayroon ng lahat ng kakailanganin sa pagtatayo ng lungsod sa kabundukan.

Brigham Young leading an ox cart

Nagkaroon ng komperensiya ang mga Banal. Pagkatapos pumili si Brigham Young ng isang pangkat na mauunang umalis. Mayroong 143 na kalalakihan, tatlong kababaihan, at dalawang bata. Kinabukasan ang unang pangkat ay umalis ngWinter Quarters.

Saints performing various duties

Ang lahat ay may tungkuling gawin sa kanilang paglalakbay. Ang kababaihan ang nag-alaga ng mga bata. Sila ang nagluto ng pagkain. Ang lahat ng kalalakihan ay may mga baril upang ipagtanggol ang mga tao at hayop.

woman preparing food

Ang mga tagabunsod ay buong araw na naglakbay. Sa gabi sila ay nagkampo. Ang kanilang mga bagon ay inihanay nila nang pabilog. Ang mga tao at hayop ay nanatili sa loob ng bilog. Gumawa sila ng mga siga at nagluto ng kanilang pagkain.

Saints singing

Sila ay sumayaw at umawit. Ang isa sa mga awitin ay “Mga Banal Halina.” Pinabuti nito ang pakiramdam ng mga tao.

Saint blowing bugle

Isang lalaki ang umihip ng isang korneta upang ipahiwatig sa kanila na oras na upang matulog. Ang mga tagabunsod ay nanalangin at nagsitulog.

Brigham Young speaking to trapper

Mahaba ang nilakbay ng mga tagabunsod patawid ng mga kapatagan. Sila ay naglakbay ng apat na buwan. Nakasalubong sila ng ibang tao sa daraanan. Ang ilan sa mga tao ay mambibitag. Sinabihan nila si Brigham Young na huwag pumunta sa Rocky Mountains. Sinabi nila na ang mga pananim ay hindi tutubo doon.

Saints speaking

Sinabihan ng ibang tao si Brigham Young na dalhin ang mga Banal sa California. Subalit sinabi ni Brigham Young na ipinakita ng Panginoon sa kanya kung saan dapat magtungo ang mga Banal. Siya ay susunod sa Panginoon.

man and wife at camp

Sa wakas ang mga tagabunsod ay sumapit sa kabundukan. Doon ay mahirap ang paglalakbay.

Brigham Young lying down sick

Si Brigham Young ay nagkasakit. Siya ay hindi makapaglakbay nang napakabilis. Siya ay namili ng ilang kalalakihan na mauunang umalis. Sinabi niya sa kanila na pumunta sa Lambak ng Great Salt Lake. Sila ay dapat magsimulang magtanim.

men looking down into Salt Lake Valley

Dinala ng kalalakihan ang kanilang mga bagon sa itaas ng kabundukan. Sila ay bumaba sa lambak. Sila ay nagkampo samay sapa.

man plowing with horses

Sila ay nanalangin sa Panginoon. Hiniling nila sa kanya na basbasan ang mga buto na kanilang itatanim. Itinanim ng kalalakihan ang mga buto.

Brigham Young arriving in valley

Kinabukasan si Brigham Young at ang mga tagabunsod na kasama niya ay sumapit sa lambak. Pinagmasdan ni Brigham Young ang lambak mula sa kanyang bagon. Alam niya na ito ang lugar kung saan ibig ng Panginoon na manirahan ang mga Banal. Sinabi ni Brigham Young, “Ito ang tamang lugar. Humayo kayo.” Pinalakad ng mga Banal ang kanilang mga bagon pababa sa lambak. Noon ay ika-24 ng Hulyo 1847.