Kasaysayan ng Simbahan
Isang Mensahe mula sa Unang Panguluhan


Paunang Salita

Isang Mensahe mula sa Unang Panguluhan

Minamahal naming mga Kapatid:

Sa pagkilala nang may pasasalamat sa pagpapalang hatid ng Relief Society sa buhay ng mga miyembro ng Simbahan, pinamahalaan namin ang paghahanda ng Mga Anak na Babae sa Aking Kaharian: Ang Kasaysayan at Gawain ng Relief Society. Dalangin namin na maging pagpapala ang aklat na ito sa inyo at sa buhay ng mga taong inyong inaantig.

Ipinaaabot namin ang aming pagmamahal at paghanga sa inyo at alam naming kayo ay pinakamamahal na mga anak na babae ng Ama sa Langit at matatapat na disipulo ng Panginoong Jesucristo. Kayo ay bahagi ng isang napakalaking kapatiran ng kababaihan sa buong daigdig. Ginagabayan ng inyong motto na, “Ang pag-ibig sa kapwa-tao kailanman ay hindi nagkukulang,” tumutulong kayo sa pagpapatatag ng mga pamilya at pagtatayo ng kaharian ng Diyos sa lupa.

Hinihikayat namin kayong pag-aralan ang aklat na ito at hayaang mabigyang-inspirasyon ng walang-hanggang mga katotohanan at nakaaantig na mga halimbawa nito ang inyong buhay.

Nagpapatotoo kami na ipinanumbalik ng Panginoon ang kabuuan ng ebanghelyo sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith at na ang Relief Society ay mahalagang bahagi ng panunumbalik na iyon. Maringal at kahanga-hanga ang pamana ng kababaihan ng Relief Society. Dalangin namin na ang aklat na ito ay maging mahalagang sanggunian sa pangangalaga sa pamanang iyon.

Ang Unang Panguluhan