Mahahalagang Pangyayari sa Kasaysayan ng Relief Society
Abril 6, 1830
Itinatag ang Simbahan.
1830
Si Joseph Smith ay tumanggap ng paghahayag para sa kanyang asawang si Emma (tingnan sa D at T 25).
Marso 17, 1842
Itinatag ang Female Relief Society of Nauvoo; si Emma Smith ang napiling maging pangulo.
1843
Si Emma Smith at ang kanyang mga tagapayo ay humirang ng mga visiting committee sa mga ward sa Nauvoo, Illinois.
Hunyo 27, 1844
Si Propetang Joseph Smith at ang kanyang kapatid na si Hyrum ay pinaslang sa Carthage Jail.
Pebrero 1846
Nagsimulang umalis ang mga Banal sa Nauvoo.
1846
Inilaan ang Nauvoo Temple.
Hulyo 1847
Nakarating ang unang grupo ng mga pioneer sa Salt Lake Valley.
1867
Nanawagan si Brigham Young sa mga bishop na muling itatag ang Relief Society sa bawat ward.
1870
Ang Young Ladies Department ng Senior and Junior Cooperative Retrenchment Association ay itinatag para sa mga kabataang babae.
1872
Sinuportahan ng Relief Society ang paglalathala ng Woman’s Exponent.
1873
Hinikayat ang kababaihan ng Relief Society na mag-aral ng medisina.
1876
Ang Deseret Silk Association ay itinatag, si Zina D. H. Young ang pangulo.
1878
Ang organisasyon ng Primary ay itinatag para sa mga bata.
1882
Itinatag ng Relief Society ang Deseret Hospital.
1890
Tumanggap si Pangulong Wilford Woodruff ng isang paghahayag na humantong sa pagtigil ng pag-aasawa nang higit sa isa.
1893
Inilaan ang Salt Lake Temple.
1913
“Ang pag-ibig sa kapwa-tao kailanman ay hindi nagkukulang” ang naging motto ng Relief Society.
1915
Sinimulang ilathala ng Relief Society ang Relief Society Magazine.
1916
Nagsimulang magbigay ang mga visiting teacher ng mensahe ng ebanghelyo sa kababaihan bawat buwan.
1918
Ang Relief Society ay nagbenta ng 200,000 litro ng trigo sa pamahalaan ng Estados Unidos.
1921
Ang Relief Society ay nagtatag ng isang ospital para sa mga buntis o nagdadalantao.
1936
Itinatag ng Unang Panguluhan ang programang pangkapakanan ng Simbahan.
1944
Tumigil ang mga visiting teacher sa pagkolekta ng mga donasyon at sa halip ay nagtuon sa paglilingkod sa mga miyembrong kanilang binibisita.
1954
Pinangunahan ni Belle S. Spafford ang delegasyon ng Estados Unidos sa International Council of Women.
1956
Inilaan ang Relief Society Building sa Salt Lake City.
1969
Ang Relief Society Social Service Department ay ginawang bahagi ng Church Welfare and Social Services.
1971
Ang Relief Society Magazine ay itinigil na at pinalitan ng Ensign.
1978
Inilaan ang Monument to Women Memorial Garden sa Nauvoo.
Setyembre 16, 1978
Ginanap ang unang pangkalahatang miting ng Relief Society.
1987
Isinama ang buwanang mensahe sa visiting teaching sa pang-internasyonal na magasin (ngayon sa Liahona) at sa Ensign.
1992
Ipinagdiwang ng kababaihan ang ika-150 anibersaryo ng Relief Society sa pamamagitan ng pakikibahagi sa mga proyektong serbisyo sa kanilang mga komunidad.
Setyembre 23, 1995
Binasa ni Pangulong Gordon B. Hinckley “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” sa isang pangkalahatang miting ng Relief Society.
1997
Sinimulang pag-aralan ng mga Relief Society, high priest group, at korum ng mga elder ang iisang kurikulum sa araw ng Linggo.
2004
Ang mga general president ng Relief Society, Young Women, at Primary ay nakibahagi sa kauna-unahang pandaigdigang pulong sa pagsasanay sa pamumuno para sa mga auxiliary.
2009
Umabot sa 6 milyon ang mga miyembro ng Relief Society.
2011
Ginunita ng Simbahan ang ika-75 anibersaryo ng welfare program o programang pangkapakanan.