Seminary
Mga Doctrinal Mastery Passage at Mahahalagang Parirala


Mga Doctrinal Mastery Passage at Mahahalagang Parirala, Doctrinal Mastery Core Document (2018)

Mga Doctrinal Mastery Passage at Mahahalagang Parirala

Ang sumusunod ay isang listahan ng lahat ng 100 doctrinal mastery passage na may kasamang maikling buod ng bawat passage.

Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman

Mga Kawikaan 3:5–6. Magtiwala sa Panginoon nang buong puso mo, at Kanyang ituturo ang iyong mga landas.

Isaias 5:20. Sa aba nila na nagsisitawag ng mabuti ay masama, at ng masama ay mabuti.

Juan 7:17. Gawin ang kalooban ng Diyos upang makilala ang Kanyang doktrina.

I Mga Taga Corinto 2:5, 9–11. Makikilala lamang natin ang mga bagay ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu.

II Kay Timoteo 3:15–17. Maaari kang gawing marunong ng mga banal na kasulatan tungo sa kaligtasan.

Santiago 1:5–6. Kung kulang ka sa karunungan, humingi sa Diyos.

2 Nephi 28:30. Nagbibigay ng kaalaman ang Diyos nang taludtod sa taludtod.

2 Nephi 32:3. Kung magpapakabusog tayo sa mga salita ni Cristo, malalaman natin ang lahat ng bagay na dapat nating gawin.

2 Nephi 32:8–9. Kung palagi tayong mananalangin, ilalaan ng Diyos ang ating mga pagganap para sa kapakanan ng ating mga kaluluwa.

Mosias 4:9. Maniwala sa Diyos at maniwala na taglay Niya ang lahat ng karunungan.

Eter 12:6. Ang patunay ay dumarating pagkatapos ng pagsubok sa pananampalataya.

Moroni 10:4–5. Inihahayag ng Espiritu Santo ang katotohanan sa mga nagtatanong sa Diyos nang may tunay na layunin.

DT 6:36. Isaalang-alang si Cristo sa bawat pag-iisip.

DT 8:2–3. Ang Espiritu Santo ay nagsasalita sa ating puso’t isipan.

DT 88:118. Hangaring matuto sa pamamagitan ng pag-aaral at pananampalataya.

Mga Paksa ng Doktrina

1. Ang Panguluhang Diyos

Sa Mga Hebreo 12:9. Ang Diyos ang Ama ng ating espiritu.

2 Nephi 26:33. Pantay-pantay ang lahat sa Diyos.

3 Nephi 11:10–11. Sinunod ni Jesucristo ang kalooban ng Ama sa lahat ng bagay.

3 Nephi 12:48. Inaanyayahan tayo ni Jesucristo na maging ganap.

3 Nephi 18:15, 20–21. Mag-ingat at laging manalangin sa pangalan ni Jesucristo.

DT 29:10–11. Muling paparito si Cristo nang may kapangyarihan at kaluwalhatian.

DT 130:22–23. Ang Ama at ang Anak ay may mga katawang may laman at buto.

2. Ang Plano ng Kaligtasan

Moises 1:39. Ang gawain at kaluwalhatian ng Diyos ay ang isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang-hanggan ng tao.

Abraham 3:22–23. Pinili si Abraham bago siya isinilang.

Genesis 1:26–27. Nilikha ng Diyos ang tao sa Kanyang sariling larawan.

Josue 24:15. Piliin ninyo sa araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran.

Juan 17:3. Ang buhay na walang hanggan ay ang makilala ang Diyos at si Jesucristo.

I Mga Taga Corinto 6:19–20. Ang inyong katawan ay isang templo.

I Mga Taga Corinto 15:20–22. Lahat ay mabubuhay na mag-uli kay Cristo.

I Mga Taga Corinto 15:40–42. May tatlong antas ng kaluwalhatian sa Pagkabuhay na Mag-uli.

I Ni Pedro 4:6. Ang ebanghelyo ay ipinapangaral sa mga patay.

Apocalipsis 20:12. Bawat tao ay tatayo sa harapan ng Diyos upang hatulan.

2 Nephi 2:22–25. Si Adan ay nahulog upang ang tao ay maging gayon.

2 Nephi 2:27. Tayo ay malayang pumili.

DT 76:22–24. Si Jesucristo ay buhay at ang Lumikha ng mga daigdig.

3. Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo

Isaias 1:18. Kung magsisisi tayo, ang ating mga kasalanan ay magiging mapuputi na parang niebe.

Isaias 53:3–5. Dinala ni Jesucristo ang ating mga dalamhati at nagdusa para sa ating mga kasalanan.

Mateo 11:28–30. Kung lalapit tayo kay Jesucristo, pagagaanin Niya ang ating mga pasanin at bibigyan tayo ng kapahingahan.

Lucas 24:36–39. Si Jesucristo ay nabuhay na mag-uli na may katawang may laman at buto.

Santiago 2:17–18. Ang pananampalatayang walang mga gawa ay patay.

Mosias 3:19. Hubarin ang likas na tao at maging Banal sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala.

Alma 7:11–13. Dinanas ni Jesucristo ang ating mga pasakit at napagtagumpayan ang kasalanan at kamatayan.

Alma 34:9–10. Kailangang isagawa ang Pagbabayad-sala.

Helaman 5:12. Itayo ang inyong saligan kay Cristo.

Eter 12:27. Maaaring palakasin ng Tagapagligtas ang mahihinang bagay.

DT 18:10–11. Ang kahalagahan ng mga kaluluwa ay dakila.

DT 19:16–19. Ang Tagapagligtas ay nagdusa para sa ating mga kasalanan upang tayo ay makapagsisi.

DT 58:42–43. Kailangan nating ipagtapat at iwaksi ang kasalanan upang makapagsisi.

4. Ang Pagpapanumbalik

Moises 7:18. Sion—may isang puso at isang isipan sa kabutihan.

Isaias 29:13–14. Ang Panunumbalik ay isang kagila-gilalas na gawain at kamangha-mangha.

Ezekiel 37:15–17. Ang Biblia at ang Aklat ni Mormon ay pinag-isa.

Daniel 2:44. Ang kaharian ng Diyos ay lalagi magpakailanman.

Mga Gawa 3:19–21. Ipinropesiya ni Pedro ang Pagpapanumbalik.

II Mga Taga Tesalonica 2:1–3. Ang Apostasiya ay ipinropesiya.

Joseph Smith—Kasaysayan 1:15–20. Sa Unang Pangitain, tinawag ng Diyos si Joseph Smith upang maging propeta.

DT 1:30. Ang tanging tunay at buhay na Simbahan

DT 135:3. Naghirap si Joseph Smith para sa ating kaligtasan.

5. Mga Propeta at Paghahayag

Jeremias 1:4–5. Si Jeremias ay inorden na noon pa man na maging propeta.

Ezekiel 3:16–17. Ang mga bantay ng Panginoon ay nagbibigay ng mga babala na mula sa Kanya.

Amos 3:7. Ang Diyos ay naghahayag ng Kanyang lihim sa Kanyang mga propeta.

Juan 15:16. Hinihirang at inoorden ng Panginoon ang mga apostol at propeta.

Mga Taga Efeso 2:19–20. Ang Simbahan ng Panginoon ay nakasalig sa mga apostol at propeta.

Mga Taga Efeso 4:11–14. Tinutulungan ng mga apostol at propeta na maging sakdal ang mga Banal.

DT 1:37–38. Ang tinig ng Panginoon at ng Kanyang mga lingkod ay iisa.

DT 21:4–6. Kapag tinanggap natin ang salita ng propeta nang may pagtitiis at pananampalataya, itataboy ng Diyos ang mga kapangyarihan ng kadiliman.

6. Priesthood at mga Susi ng Priesthood

Mateo 16:15–19. Nangako si Jesucristo na itatayo ang Kanyang Simbahan at igagawad ang mga susi ng kaharian.

DT 13:1. Mga Susi ng Aaronic Priesthood

DT 42:11. Ang mga kinatawan ng Panginoon ay kailangang tawagin ng isang taong may awtoridad.

DT 107:8. Ang awtoridad ng Melchizedek Priesthood

DT 121:36, 41–42. Ang kapangyarihan ng priesthood ay nakabatay sa pagiging matwid ng isang tao.

7. Mga Ordenansa at mga Tipan

Exodo 19:5–6. Sundin ang aking tipan at kayo ay magiging banal na bansa.

Mga Awit 24:3–4. Upang maging karapat-dapat na makapiling ang Panginoon, kailangan tayong magkaroon ng malilinis na kamay at dalisay na puso.

Juan 3:5. Kailangan tayong maipanganak ng tubig at ng Espiritu upang makapasok sa kaharian ng Diyos.

Mosias 18:8–10. Nakikipagtipan tayo sa Diyos sa pamamagitan ng binyag.

3 Nephi 27:20. Magpabinyag at mapabanal sa pamamagitan ng pagtanggap sa Espiritu Santo.

DT 82:10. Ang Panginoon ay nakatali kapag ginagawa natin ang Kanyang sinasabi.

DT 84:20-22. Ang kapangyarihan ng kabanalan ay nakikita sa mga ordenansa ng priesthood.

8. Pag-aasawa at Pamilya

Genesis 1:28. Magpakarami at kalatan ang lupa.

Genesis 2:24. Magiging isa ang mag-asawa.

Genesis 39:9. Pinaglabanan ni Jose ang tukso.

Malakias 4:5–6. Ibabaling ni Elijah ang puso ng mga ama at mga anak.

I Mga Taga Corinto 11:11. Maaari lamang matupad ng isang lalaki at isang babae ang plano ng Panginoon kapag sila ay magkasama.

Alma 39:9. Huwag nang sundin pa ang pagnanasa ng iyong mga mata.

DT 49:15–17. Ang kasal sa pagitan ng isang lalaki at isang babae ay inorden ng Diyos.

DT 131:1–4. Ang bago at walang-hanggang tipan ng kasal

9. Mga Kautusan

Exodo 20:3–17. Inihayag ng Diyos ang Sampung Utos.

Isaias 58:6–7. Tinutulungan tayo ng pag-aayuno na kalagin ang mga tali ng kasamaan, pagaanin ang mga pasan, at maglaan para sa mga dukha.

Isaias 58:13–14. Ang Sabbath ay ang banal na araw ng Panginoon.

Malakias 3:8–10. Ang pagbabayad ng ikapu ay naghahatid ng mga pagpapala.

Mateo 5:14–16. Gawing maliwanag ang inyong ilaw bilang halimbawa sa iba.

Mateo 22:36–39. Ibigin mo ang Panginoon; ibigin mo ang iyong kapwa.

Juan 14:15. Kung ako’y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.

1 Nephi 3:7. Ang Panginoon ay naghahanda ng paraan para masunod ang Kanyang mga kautusan.

Mosias 2:17. Naglilingkod tayo sa Diyos kapag naglilingkod tayo sa iba.

Mosias 2:41. Ang pagsunod ay naghahatid ng mga pagpapala at kaligayahan.

Alma 41:10. Ang kasamaan ay hindi kailanman kaligayahan.

Moroni 7:45, 47–48. Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay ang dalisay na pag-ibig ni Cristo.

DT 18:15–16. Kagalakan sa pagdadala ng mga kaluluwa kay Jesucristo

DT 64:9–11. Inuutusan tayong patawarin ang lahat ng tao.

DT 89:18–21. Mga pagpapala ng Word of Wisdom.