Seminary
1. Ang Panguluhang Diyos


1. Ang Panguluhang Diyos, Doctrinal Mastery Core Document (2018)

1. Ang Panguluhang Diyos

Larawan
ang Unang Pangitain

1.1. May tatlong magkakahiwalay na katauhan sa Panguluhang Diyos: ang Diyos, ang Amang Walang Hanggan; ang Kanyang Anak na si Jesucristo; at ang Espiritu Santo. Ang Ama at ang Anak ay may mga niluwalhating katawang may laman at buto, at ang Espiritu Santo ay isang personaheng espiritu (tingnan sa DT 130:22–23). Iisa ang kanilang layunin at sila ay ganap na nagkakaisa sa pagsasakatuparan ng plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit.

Mga kaugnay na reperensya: Genesis 1:26–27; Lucas 24:36–39; Joseph Smith—Kasaysayan 1:15–20

Diyos Ama

1.2. Ang Diyos Ama ang Pinakadakilang Nilalang na ating sinasamba. Siya ang Ama ng ating mga espiritu (tingnan sa Sa Mga Hebreo 12:9). Siya ay perpekto, nasa Kanya ang lahat ng kapangyarihan, at alam Niya ang lahat ng bagay. Siya rin ay makatarungan, maawain, at mabait. Lubos na minamahal ng Diyos ang bawat isa sa Kanyang mga anak, at lahat ay pantay-pantay sa Kanya (tingnan sa 2 Nephi 26:33). Ang Kanyang gawain at kaluwalhatian ay isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao.

Mga kaugnay na reperensya: Juan 17:3; Mosias 4:9; Moises 1:39

Jesucristo

1.3. Si Jesucristo ang Panganay na Anak ng Ama sa espiritu at ang Bugtong na Anak ng Ama sa laman. Sa ilalim ng patnubay ng Ama, nilikha ni Jesucristo ang langit at ang lupa. Siya ang Jehova ng Lumang Tipan at ang Mesiyas ng Bagong Tipan.

1.4. Ginagawa ni Jesucristo ang kalooban ng Ama sa lahat ng bagay. Namuhay Siya nang walang kasalanan at nagbayad-sala para sa kasalanan ng buong sangkatauhan (tingnan sa 3 Nephi 11:10–11). Ang Kanyang buhay ay perpektong halimbawa kung paano tayo dapat mamuhay (tingnan sa 3 Nephi 12:48). Siya ang una sa mga anak ng Ama sa Langit na nabuhay na mag-uli. Sa ating panahon, tulad noong sinauna, Siya ang namumuno sa Kanyang Simbahan. Siya ay darating na muli na may kapangyarihan at kaluwalhatian at maghahari sa lupa sa Milenyo (tingnan sa DT 29:10–11). Hahatulan Niya ang buong sangkatauhan.

1.5. Dahil si Jesucristo ang ating Tagapagligtas at ang ating Tagapamagitan sa Ama, ang lahat ng panalangin, pagbabasbas, at ordenansa ng priesthood ay dapat gawin sa Kanyang pangalan (tingnan sa 3 Nephi 18:15, 20–21).

Mga kaugnay na reperensya: Isaias 53:3–5; Lucas 24:36–39; I Mga Taga Corinto 15:20–22; Apocalipsis 20:12; Alma 7:11–13; Alma 34:9–10; Helaman 5:12; Moroni 7:45, 47–48; DT 1:30; DT 6:36; DT 18:10–11; DT 19:16–19; DT 76:22–24

Kaugnay na paksa: Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo

Ang Espiritu Santo

1.6. Ang Espiritu Santo ang ikatlong miyembro ng Panguluhang Diyos. Siya ay isang personaheng espiritu at walang katawang may laman at buto. Madalas Siyang tukuyin bilang ang Espiritu, ang Banal na Espiritu, ang Espiritu ng Diyos, ang Espiritu ng Panginoon, at ang Mang-aaliw.

1.7. Ang Espiritu Santo ay nagpapatotoo sa Ama at sa Anak, naghahayag ng katotohanan ng lahat ng bagay, at nagpapabanal sa mga nagsisisi at nagpapabinyag. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, makatatanggap tayo ng mga espirituwal na kaloob, na mga pagpapala o kakayahan na ibinigay ng Panginoon para sa ating ikabubuti at upang tulungan tayong paglingkuran at pagpalain ang iba.

Mga kaugnay na reperensya: Juan 3:5; I Mga Taga Corinto 2:5, 9–11; 2 Nephi 32:3; 2 Nephi 32:8–9; Mosias 3:19; Mosias 18:8–10; 3 Nephi 27:20; Moroni 7:45, 47–48; Moroni 10:4–5; DT 8:2–3; DT 130:22–23

Mga kaugnay na paksa: Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman; Mga Ordenansa at mga Tipan

Print