Seminary
9. Mga Kautusan


9. Mga Kautusan, Doctrinal Mastery Core Document (2018)

9. Mga Kautusan

Larawan
lalaking nagbabayad ng ikapu

9.1. Ang mga kautusan ay mga batas at mga kinakailangan na ibinibigay ng Diyos para matulungan tayong umunlad at maging katulad Niya. Ang mga kautusan ay pagpapakita ng pagmamahal ng Diyos sa atin. Ipinapakita natin ang ating pagmamahal sa Kanya sa pagsunod sa Kanyang mga kautusan (tingnan sa Juan 14:15). Ang pagsunod sa mga kautusan ay laging magdudulot ng kaligayahan at mga pagpapala mula sa Panginoon (tingnan sa Mosias 2:41; Alma 41:10). Hindi kailanman nagbibigay sa atin ng kautusan ang Diyos nang hindi naghahanda ng paraan para masunod natin ito (tingnan sa 1 Nephi 3:7).

9.2. Ang dalawang pinakadakila at pinakamahalagang kautusan ay “iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. … At … iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili” (tingnan sa Mateo 22:36–39). Maaari nating mahalin at paglingkuran ang Diyos sa pagpiling mahalin at paglingkuran ang iba (tingnan sa Mosias 2:17; Moroni 7:45, 47–48).

9.3. Ang isa sa mga pinakaunang kautusang ibinigay sa tao ay ang panatilihing banal ang araw ng Sabbath. Inuutusan ng Diyos ang Kanyang mga anak na igalang Siya sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang kalooban sa halip na sundin ang sa atin sa araw ng Sabbath, at nangangako Siya ng mga dakilang pagpapala sa mga tao na pinananatiling banal ang Kanyang araw (tingnan sa Isaias 58:13–14).

9.4. Ang Sampung Utos ay mahalagang bahagi ng ebanghelyo at mga walang-hanggang alituntuning kailangan para sa ating kadakilaan (tingnan sa Exodo 20:3–17). Inihayag ng Panginoon ang mga ito kay Moises noong unang panahon, at inihayag Niyang muli ang mga ito sa mga paghahayag sa mga huling araw.

9.5. Kabilang sa mga utos ng Diyos ang pananalangin araw-araw, pag-aaral ng mga salita ng Diyos, pagsisisi, pagsunod sa batas ng kalinisang-puri, pagbabayad ng buong ikapu (tingnan sa Malakias 3:8–10), pag-aayuno (tingnan sa Isaias 58:6–7), pagpapatawad sa iba (tingnan sa DT 64:9–11), pagsunod sa Word of Wisdom (tingnan sa DT 89:18–21), at pagtuturo ng ebanghelyo sa iba (tingnan sa Mateo 5:14–16; DT 18:15–16).

Mga kaugnay na reperensya: Genesis 39:9; II Kay Timoteo 3:15–17; Santiago 1:5–6; 2 Nephi 32:3; 2 Nephi 32:8–9; Mosias 18:8–10; Alma 39:9; 3 Nephi 18:15, 20–21; DT 58:42–43; DT 82:10

Mga kaugnay na paksa: Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman; Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo: Pagsisisi; Mga Ordenansa at mga Tipan

Print