Doctrinal Mastery Core Document Pahina ng PamagatIto ang pahina ng pamagat para sa Doctrinal Mastery Core Document. Pambungad sa Doctrinal MasteryAng isa pang paraan na itinatayo natin ang ating saligan kay Jesucristo at sa Kanyang doktrina ay sa pamamagitan ng pagsisikap na tinatawag na Doctrinal Mastery. Pagtatamo ng Espirituwal na KaalamanNaniniwala kami na ang Diyos ang ating Ama sa Langit. Mga Paksa ng Doktrina Mga Paksa ng DoktrinaKasama sa siyam na paksang ito ng doktrina ang mahahalagang katotohanan ng ebanghelyo ni Jesucristo. 1. Ang Panguluhang DiyosMay tatlong magkakahiwalay na katauhan sa Panguluhang Diyos: ang Diyos, ang Amang Walang Hanggan; ang Kanyang Anak na si Jesucristo; at ang Espiritu Santo. 2. Ang Plano ng KaligtasanBago tayo isinilang, naglahad ng plano ang Ama sa Langit upang tulungan tayong maging katulad Niya at magtamo tayo ng kawalang-kamatayan at buhay na walang-hanggan. 3. Ang Pagbabayad-sala ni JesucristoAng tagumpay ni Jesucristo sa espirituwal at pisikal na kamatayan sa pamamagitan ng Kanyang pagdurusa, pagkamatay, at Pagkabuhay na Mag-uli ay tinatawag na Pagbabayad-sala. 4. Ang PagpapanumbalikIpinanumbalik na ng Diyos ang Kanyang ebanghelyo sa mga huling araw na ito sa pamamagitan ng muling pagtatatag ng Kanyang mga katotohanan, awtoridad ng priesthood, at Simbahan sa lupa. 5. Mga Propeta at PaghahayagAng propeta ay isang tao na tinawag ng Diyos upang mangusap para sa Kanya. 6. Priesthood at mga Susi ng PriesthoodAng priesthood ay ang walang-hanggang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos. 7. Mga Ordenansa at mga TipanAng ordenansa ay isang sagradong gawaing isinasagawa sa pamamagitan ng awtoridad ng priesthood. 8. Pag-aasawa at PamilyaAng kasal sa pagitan ng isang lalaki at ng isang babae ay inorden ng Diyos, at ang mag-anak ang sentro sa Kanyang plano ng kaligtasan at sa ating kaligayahan. 9. Mga KautusanAng mga kautusan ay mga batas at mga kinakailangan na ibinibigay ng Diyos para matulungan tayong umunlad at maging katulad Niya. Mga Doctrinal Mastery Passage Mga Doctrinal Mastery PassageMay 100 doctrinal mastery passage. Mga Doctrinal Mastery Passage ayon sa Paksa at KursoAng sumusunod ay isang listahan ng lahat ng 100 doctrinal mastery scripture passage na inorganisa ayon sa paksa at kurso. Mga Doctrinal Mastery Passage at Mahahalagang PariralaAng sumusunod ay isang listahan ng lahat ng 100 doctrinal mastery passage na may kasamang maikling buod ng bawat passage.