Seminary
8. Pag-aasawa at Pamilya


8. Pag-aasawa at Pamilya, Doctrinal Mastery Core Document (2018)

8. Pag-aasawa at Pamilya

Larawan
mga tao sa labas ng templo

8.1. Ang kasal sa pagitan ng isang lalaki at ng isang babae ay inorden ng Diyos, at ang mag-anak ang sentro sa Kanyang plano ng kaligtasan at sa ating kaligayahan (tingnan sa Genesis 2:24; DT 49:15–17). Tanging sa pagpasok at sa matapat na pagtupad ng tipan ng selestiyal na kasal maaaring matupad ng isang lalaki at isang babae ang kanilang banal at walang-hanggang potensyal (tingnan sa I Mga Taga Corinto 11:11; DT 131:1–4).

8.2. Iniutos ng Diyos sa Kanyang mga anak na magpakarami at kalatan ang lupa (tingnan sa Genesis 1:28). Ang mga sagradong kapangyarihang magkaanak ay gagamitin lamang ng isang lalaki at isang babae na ikinasal ayon sa batas bilang mag-asawa (tingnan sa Genesis 39:9; Alma 39:9). Ang mag-asawa ay may banal na tungkuling mahalin at kalingain ang bawat isa at ang kanilang mga anak. Ang mga magulang ay may banal na tungkuling palakihin ang kanilang mga anak sa pagmamahal at kabutihan at maglaan para sa kanilang pisikal at espirituwal na mga pangangailangan.

8.3. Ang kaligayahan sa buhay ng mag-anak ay lalong higit na makakamit kapag isinalig sa mga turo ng Panginoong Jesucristo. Sa plano ng Diyos, ang mga ama ang mangungulo sa kanilang mga mag-anak sa pagmamahal at kabutihan at ang may tungkuling maglaan para sa mga pangangailangan sa buhay. Ang mga ina ang may pangunahing tungkulin na mag-aruga sa kanilang mga anak. Sa mga banal na tungkuling ito, ang mga ama at ina ay may pananagutang magtulungan bilang magkasama na may pantay na pananagutan.

8.4. Ang plano ng kaligayahan ng Diyos ang nagpapahintulot sa mga ugnayan ng mag-anak na magpatuloy sa kabilang-buhay. Ang mundo ay nilikha at ang ebanghelyo ay inihayag upang ang mga pamilya ay mabuo, mabuklod, at dakilain magpasawalang-hanggan. Sa pamamagitan ng family history at paglilingkod sa templo, magagawa natin ang mga ordenansa at tipan ng ebanghelyo para sa ating mga ninuno (tingnan sa Malakias 4:5–6).

(Hango sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,” Ensign o Liahona, Nob. 2010, 129.)

Mga kaugnay na reperensya: Moises 1:39; Genesis 1:26–27; Exodo 20:3–17; Mateo 16:15–19; Juan 17:3; I Mga Taga Corinto 6:19–20; 2 Nephi 2:22–25; Mosias 2:41; Alma 41:10; DT 84:20–22

Mga kaugnay na paksa: Ang Plano ng Kaligtasan; Mga Kautusan

Print