Pambungad sa Doctrinal Mastery, Doctrinal Mastery Core Document (2018)
Pambungad sa Doctrinal Mastery
Sa Aklat ni Mormon, itinuro ng propetang si Helaman sa kanyang mga anak na lalaki na, “Sa bato na ating Manunubos, na si Cristo, ang Anak ng Diyos, ninyo kailangang itayo ang inyong saligan” (Helaman 5:12). Ang pagtatayo ng saligan kay Jesucristo—na kinabibilangan ng pag-unawa, paniniwala, at pamumuhay ayon sa Kanyang doktrina—ay magpapalalim ng ating pagbabalik-loob at katapatan bilang Kanyang mga disipulo, poprotekta sa atin laban sa mga impluwensya ng kaaway, at tutulong sa atin na pagpalain ang buhay ng iba.
Ang isa sa mga paraan na isinasagawa natin ito ay sa sama-samang pag-aaral ng mga banal na kasulatan sa klase ayon sa pagkakasunud-sunod nito. Ang isa pang paraan na itinatayo natin ang ating saligan kay Jesucristo at sa Kanyang doktrina ay sa isang pagsisikap na tinatawag na Doctrinal Mastery.
Ang Doctrinal Mastery ay nagtutuon sa dalawang resulta:
-
Pag-aaral at pagsasabuhay ng mga banal na alituntunin para magtamo ng espirituwal na kaalaman
Nagpahayag ang Ama sa Langit ng mga alituntunin para sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Kabilang sa mga alituntuning ito ang pagkilos nang may pananampalataya, pagsusuri sa mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw, at pagnanais na maragdagan ang pang-unawa sa pamamagitan ng mga itinalagang sources. Nagkakaroon tayo ng doctrinal mastery kapag isinabuhay natin ang mga alituntuning ito sa loob at labas ng klase at hinahanap ang mga sagot sa mga tanong tungkol sa doktrina at kasaysayan sa paraang nag-aanyaya sa Espiritu Santo na palakasin ang ating pananampalataya kay Jesucristo at sa Kanyang doktrina.
-
Pagiging mahusay sa doktrina ng ebanghelyo ni Jesucristo at sa mga scripture passage kung saan itinuturo ang doktrina
Ang resultang ito ng Doctrinal Mastery ay natatamo sa:
-
Pagkakaroon ng mas malalim na pang-unawa sa bawat isa sa mga sumusunod na siyam na paksa:
-
Ang Panguluhang Diyos
-
Ang plano ng kaligtasan
-
Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo
-
Ang Pagpapanumbalik
-
Mga propeta at paghahayag
-
Priesthood at mga susi ng priesthood
-
Mga ordenansa at mga tipan
-
Pag-aasawa at pamilya
-
Mga kautusan
-
-
Pag-unawa sa mahahalagang pahayag ng doktrina na tinukoy sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng dokumentong ito at sa bawat isa sa siyam na paksa ng doktrina.
-
Pag-alam kung paano itinuturo ang mahahalagang pahayag ng doktrina sa mga doctrinal mastery scripture passage at kakayahang maalaala at mahanap ang mga passage na iyon.
-
Malinaw na pagpapaliwanag ng bawat mahalagang pahayag ng doktrina, gamit ang kaugnay na mga doctrinal mastery passage.
-
Pagsasabuhay ng doktrina ng ebanghelyo ni Jesucristo sa ating araw-araw na mga pagpili at sa mga tugon natin sa mga problema at tanong ukol sa doktrina, lipunan, at kasaysayan.
-