Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Para sa home evening, pag-aaral ng mga banal na kasulatan, o para lang sa paglilibang!
Ang Marahan at Banayad na Tinig
Para sa 1 Mga Hari 17–19
Kuwento: Si Elijah ay isang propeta. Natutuhan niya na ang Espiritu Santo ay nangungusap sa marahan at banayad na tinig. Maaari mong basahin ang kuwentong ito sa pahina 8 o sa 1 Mga Hari 19:11–12.
Awitin: “Ang Espiritu Santo” (Aklat ng mga Awit Pambata, 56)
Aktibidad: Paupuin ang lahat sa isang linya. Ang unang tao ay bubulong ng ilang salita sa susunod na tao. Ibubulong ng bawat tao ang mga salita sa susunod na tao. Sasabihin ng huling tao sa lahat ang narinig niya. Ano ang magagawa mo para marinig nang mas mabuti ang Espiritu Santo?
Si Naaman at ang Himala
Para sa 2 Mga Hari 2–7
Kuwento: May sakit si Naaman na tinatawag na ketong. Sinabi sa kanya ng propetang si Eliseo na maghugas nang pitong beses sa Ilog Jordan upang gumaling. Noong una, ayaw itong gawin ni Naaman. Ngunit nang gawin ni Naaman ang sinabi ni Eliseo, gumaling siya! (Tingnan sa 2 Mga Hari 5.)
Awitin: “Susunod Ako” (Aklat ng mga Awit Pambata, 71)
Aktibidad: Gumawa o magdrowing ng kunwa-kunwariang ilog gamit ang mga bato, patpat, chalk, o kumot. Pagkatapos ay tumalon sa inyong ilog nang pitong beses. Pag-usapan kung paano makatutulong sa atin ang paggawa ng mga simpleng bagay na ipinagagawa sa atin ng Diyos.
Matutulungan Ako ng mga Banal na Kasulatan
Para sa 2 Mga Hari 17–25
Kuwento: Si Haring Josias ay mabuting tao. Nang mahanap ang nawawalang mga banal na kasulatan, binasa niya ang mga ito sa kanyang mga tao. Ipinangako niya na susundin niya ang mga kautusan. (Tingnan sa 2 Mga Hari 23:2–3.)
Awitin: “Babasahin, Uunawain, at Mananalangin” (Aklat ng mga Awit Pambata, 66).
Aktibidad: Isulat, idrowing, o isadula ang isang kuwento sa Lumang Tipan na gusto mo. Paano ka natulungan ng kuwentong ito? Pag-usapan kung bakit mahalaga ang mga banal na kasulatan.
Sining sa Templo
Para sa Ezra 1; 3–7; Nehemias 2; 4–6; 8
Kuwento: Ang templo sa Jerusalem ay nawasak. Makalipas ang ilang taon, muli itong itinayo ng mga tao. Masayang-masaya sila! Sila ay “nagpuri sa Panginoon” at “sumigaw nang malakas dahil sa kagalakan” (Ezra 3:11, 12).
Awitin: “Templo’y Ibig Makita” (Aklat ng mga Awit Pambata, 99)
Aktibidad: Itupi sa kalahati ang isang papel. Magdrowing o magdikit ng larawan ng templo sa harap. Pagkatapos ay buksan ang tupi at magdrowing o magdikit ng iyong larawan sa loob. Isulat ang mga salitang, “Pupunta ako sa loob balang-araw.” Pag-usapan kung paano tayo mapapasaya ng pagpunta sa templo.
Si Esther at ang Hari
Para sa Esther
Kuwento: Si Reyna Esther ay ikinasal sa hari ng Babilonia. Isang lalaki ang nagtangkang linlangin ang hari upang patayin ang mga kalahi ni Reyna Esther, ang mga Judio. Kinailangang tulungan ni Esther ang kanyang mga tao. Hiniling niya sa kanila na mag-ayuno at manalangin para sa kanya. Nang kausapin ni Esther ang hari, nangako siya na magiging ligtas ang mga Judio.
Awit: “Aking Ama’y Buhay” (Aklat ng mga Awit Pambata, 8)
Aktibidad: Buklatin ang pahina 16 at gupitin ang mga finger puppet. Gamitin ang mga puppet para ikuwento ang tungkol kay Esther.