Matt at Mandy
Gutom na gutom na ako!
Ako rin. Tumigil muna tayo rito.
Hmm. Kakain na lang ako ng meryenda sa bahay.
Gusto mo nito? Heto oh.
Ah, hindi ko nakitang binayaran mo ito.
Ah … ah … Hindi ko nga binayaran. Kinuha ko lang ito. Kumukuha din naman ang ibang mga bata nang hindi nagbabayad.
Hindi ko ito matatanggap. Hindi magiging maganda ang pakiramdam ko rito.
Hindi rin maganda ang pakiramdam ko rito.
Palagay ko alam ko kung ano ang magpapabuti sa pakiramdam natin.
Tama ka. Mas gumanda ang pakiramdam ko nang ibalik ko ito.
Ako rin. Palaging maganda sa pakiramdam ang paggawa ng tama.