Hello mula sa Finland!
Samahan sina Margo at Paolo habang naglalakbay sila sa iba’t ibang panig ng mundo para malaman ang tungkol sa mga anak ng Ama sa Langit.
Ang Finland ay isang bansa sa Hilagang Europa. Mga 5.5 milyon ang mga tao rito.
Isang Tradisyon ng Pamilya
Maraming pamilya ang pumupunta sa mga lake cottage tuwing tag-init. Nagluluto sila sa ibabaw ng apoy, umuupo sa sauna (steam bath), at nagpapahinga sa kalikasan.
Leipäjuusto
Ang karaniwang pagkain pang-almusal ay bread cheese (tinatawag ding “Finnish squeaky cheese”). Tinutusta ito ng mga tao at kinakain ito kasama ng cloudberry jam.
Sama-samang Pag-aaral
Sa simbahan, natututuhan ng mga batang ito ang tungkol kay Jeesus Kristus. Iyan ang paraan ng pagsabi ng “Jesucristo” sa Finnish!
Alam Ba Ninyo?
Ang rehiyon ng Lapland ay may mas maraming reindeer kaysa sa mga tao! Ito rin ay isa sa mga pinakamagandang lugar na kakikitaan ng Northern Lights.
Helsinki Temple
Ang Finland ay may magandang templo sa kabiserang lungsod nito, sa Helsinki.