Masasayang Bagay
Mga Rākau Stick
Ang mga Māori ng New Zealand ay naglalaro ng isang laro sa pamamagitan ng pag-tap, paghagis, at pagsalo ng mga patpat ayon sa tugtog o ritmo. Maghanap ng apat na patpat o mga rolyo ng papel para maglaro ng sarili mong bersyon ng larong ito!
Paano Laruin
-
Umupo sa sahig kasama ang isang kapartner, na nakaharap kayo sa isa’t isa. Bawat isa ay may hawak na patpat sa bawat kamay.
-
Pumili ng isang galaw na paulit-ulit na gagawin gamit ang inyong mga patpat. Maaari mong gamitin ang ilan sa mga ideya rito, o maaari mong gamitin ang sarili mong mga ideya.
-
Magpraktis na sabay na gawin ang mga galaw. Tingnan kung gaano katagal ninyo ito magagawa bago kayo magkamali! Maaari ka ring magpatugtog ng musika at magpraktis na gawin ang mga galaw sa tiyempo ng musika.