Magkakasamang Sumusunod kay Jesus
Zach W., edad 8, Ohio, USA
“Manalangin Araw-Araw,” Amelia S., edad 8, Andhra Pradesh, India
“Jesus Easter,” Indira G., edad 9, Lower Saxony, Germany
Nora at Moses B., edad 7 at 9, Amman, Jordan
Taggart W., edad 10, Utah, USA
“Umawit ang mga Batang Pioneer Habang Naglalakad Sila,” Emily J., edad 10, Utah, USA
Sinimulan kong basahin ang Aklat ni Mormon nang maging pitong taong gulang ako upang maghanda para sa aking binyag. Natapos ko ito sa aking ikawalong kaarawan! May mahihirap na salita pero maraming kawili-wiling mga kuwento.
Heewon C., edad 8, Gyeonggi-do, South Korea
Lagi kong binabasa ang Aklat ni Mormon. Ang paborito kong bahagi ay ang kuwento ni Nephi.
Jared C., edad 6, Sololá, Guatemala
Pumunta kami sa bakuran ng templo. Dahil dito nasabik akong gumawa ng mga pagbibinyag sa templo kapag nasa tamang edad na ako. Masaya ako noong naroon ako. Napakaganda ng templo.
Emmeline M., edad 10, New Jersey, USA
Kapag nagdarasal at nagbabasa ako ng mga banal na kasulatan araw-araw, nadarama kong malapit ako sa aking Ama sa Langit at kay Jesucristo.
Rafael L., edad 8, Arequipa, Peru
Ang ilan sa mga baseball game ko ay sa araw ng Linggo. Nalulungkot ako na hindi ako makalaro sa mga ito pero masaya ako na nakakasimba ako. Gusto ko na palaging nasa tamang lugar ako sa araw ng Sabbath.
Benjamin P., edad 7, New York, USA
Sinabi ng nanay ko na makakakuha ako ng alagang reptile kung makakapag-ipon ako ng pera. Natagalan ito dahil nagbabayad ako ng ikapu. Nang magka-sale ng reptile cage, may sapat akong pera para mabili ito! Kinabukasan ay nakatanggap ako ng chameleon para sa aking kaarawan. Pinalakas nito ang patotoo ko sa ikapu.
Laura K., edad 11, Minnesota, USA