Mga Matulunging Kamay sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo
Kilalanin si Ella mula sa Finland
Kilalanin ang mga batang Primary na tumutulong sa iba, tulad ng ginawa ni Jesus.
Lahat ng tungkol kay Ella
Edad: 7
Mula sa: Uusimaa, Finland
Wika: Finnish
Mga mithiin at pangarap: 1) Maging narses tulad ng nanay niya. 2) Magkaroon ng sariling pamilya. 3) Maging mang-aawit o mananayaw.
Pamilya: Ella, Inay, Itay, dalawang kapatid na lalaki, at isang pusa na nagngangalang Dose
Ang mga Matulunging Kamay ni Ella
Gusto ni Ella na madama ng iba na kabilang sila. Ayaw niyang madama ng sinuman na hindi siya kabilang. Mahal na mahal niya ang kanyang mga pinsan. Ang ilan sa kanila ay nasa kanyang ward. Hinahanap niya ang mga ito sa Primary linggu-linggo.
Ang pinsan niyang si Lehi ay nakatira sa Germany. Kapag bumibisita si Lehi, sinisiguro ni Ella na madarama ng kanyang pinsan na kabilang siya. Inaanyayahan niya itong makipaglaro sa kanya at sa kanyang mga kaibigan.
Mahilig tumulong si Ella at ang kanyang pamilya sa mga tao sa kanilang lugar. Sa bahay, masaya siyang gumagawa ng kanyang mga gawaing-bahay at tinutulungan ang kanyang mga kapatid na gawin din ang kanilang mga gawain. Sinasabi ni Ella na ang paglilingkod ay nagpapasaya sa kanya.
Mga Paborito ni Ella
Kuwento tungkol kay Jesus: Nang pakainin Niya ang mga tao ng tinapay at isda
Lugar: Ang kanyang daycare center
Awit sa Primary: “Ako ay Anak ng Diyos,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 2–3)
Pagkain: Spaghetti na may tomato sauce
Kulay: Dilaw
Klase sa paaralan: Sining