Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Si Elias at ang Marahan at Banayad na Tinig
Si Elijah ay isang propeta. Gusto niyang marinig ang tinig ng Diyos. Nagpunta siya sa isang bundok para mapakinggan nang mas mabuti ang tinig ng Diyos.
Nagkaroon ng malakas na hangin. Napakalakas nito kaya nabiyak ang mga bato. Maingay ang hangin. Ngunit hindi iyon ang tinig ng Diyos.
Sumunod ay nagkaroon ng lndol. Ang lupa ay nayanig. Nagkaroon din ng malaking sunog. Malaki ang apoy nito. Ngunit ang lindol at apoy ay hindi ang tinig ng Diyos.
Pagkatapos ay tumahimik. Narinig ni Elijah ang tinig ng Diyos. Ito ay marahan at banayad. Pero malinaw ito.
Naririnig ko ang tinig ng Diyos sa pamamagitan ng pakikinig sa Espiritu Santo. Nangungusap Siya sa akin sa maliliit at simpleng paraan.