Para sa Mas Nakatatandang mga Bata
Simpleng Paglilingkod
-
Magbahagi ng isang bagay na gusto mo sa isang tao.
-
Manalangin para sa isang kaibigan na nangangailangan ng tulong.
-
Tulungan ang isang kaibigan o kapamilya sa pag-aaral.
Mabuting Halimbawa
Pinagtatawanan ng mga kaibigan ko ang mas nakababatang bata sa paaralan. Sinabi ko sa kanila na tigilan nilang pagtawanan siya.
Cameron J., edad 10, Utah, USA
Tip para sa Paghahandang Magpunta sa Templo
Ang templo ay palaging maayos at malinis, kapwa sa loob at sa labas. Nagpapakita ito ng paggalang sa bahay ng Panginoon at tumutulong sa mga tao na madama ang Espiritu Santo. Tumulong na panatilihing malinis ang inyong tahanan para maging higit na katulad ito ng templo.
Hamon sa Sining
Gumamit ng tinta o pintura para gumawa ng isang larawan gamit ang iyong mga fingerprint.
Mga Nagbibigay-inspirasyong Salita
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo, ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo” (Juan 14:27).