Isinulat Mo
Ang Maliliit na Bagay ay Nakagagawa ng Kaibhan!
Ako ang pinakamaliit sa klase namin. Kung minsan gusto ko na maging kasingtangkad ako ng mga kaklase ko. Pero sinabi sa akin ng aking ina na mas mahalaga ang mga pinahahalagahan ko kaysa sa aking taas, at marami akong magagawa kahit na mas maliit ako kaysa sa mga kaklase ko.
Kapag nawalan ako ng isang bagay o kapag natatakot ako, itinitigil ko ang ginagawa ko at nagdarasal ako. Sinasagot ng Ama sa Langit ang aking mga panalangin.
Tinutulungan ko ang mga pinsan ko at ang iba pang mga bata na mag-aral ng math, Ingles, at pagsusulat. Tumutulong ako sa paggawa ng mga gawaing-bahay. Inaalagaan ko ang aking mga alagang hayop. Nagdodrowing ako at nagsusulat ng mga liham para sa mga missionary. Kapag may binili ako o nakatanggap ako ng bagong bagay, pinapahiram o binibigyan ko ang iba. Kapag nakakakita ako ng mga taong nangangailangan sa kalye, ibinibigay ko ang makakaya ko, at ipinagdarasal ko sila araw-araw.
Noong bata pa ako, sinimulan akong basahan ng nanay ko. Binabasa namin ang mga kuwento sa Aklat ni Mormon, mga kuwento sa Biblia, at ang magasin na Kaibigan. Ngayon, kahit siyam na taong gulang na ako, binabasahan pa rin niya ako. Hindi ako makatulog maliban kung babasahan ako ng nanay ko. Pero ngayon, may mga gabi na binabasahan ko si Inay hanggang sa makatulog siya.
Ginagawa ko ang mga simpleng bagay na ito kahit maliit ako. Alam kong mahal ng Ama sa Langit at ni Jesus ang maliliit na bata. Alam kong mahal Nila ako. Mahal ko rin sila. Ang pangarap ko ay maging missionary para makagawa pa ako ng maliliit na bagay upang makagawa ng malaking kaibhan.