Kumusta mula sa South Africa!
Samahan sina Margo at Paolo habang naglalakbay sila sa iba’t ibang panig ng mundo para malaman ang tungkol sa mga anak ng Ama sa Langit.
Ang South Africa ay nasa katimugang dulo ng Africa. Humigit-kumulang 60 milyong tao ang nakatira doon.
Pagkain at mga Kaibigan
Ang mga batang lalaking ito ay nasa braai—isang outdoor barbecue kung saan nag-iihaw ang mga tao ng karne at sama-samang kumakain.
Masayang Aktibidad sa Dalampasigan
Ang baybayin ng South Africa ay halos 1,740 milya (2,800 km) ang haba. Ibig sabihin niyan ay maraming magagandang dalampasigan!
Maraming Wika
Ang South Africa ay may 11 opisyal na wika, kabilang na ang Zulu, Afrikaans, Xhosa, at Ingles.
Mga Hayop sa Lahat ng Dako
Ang springbok ang pambansang hayop. Naninirahan ito sa mga damuhan ng South Africa.
Sa Templo
Hindi magtatagal ay magkakaroon ng tatlong templo ang South Africa. Nagpunta ang pamilyang ito sa paglalaan ng templo sa Durban.