Ano ang Iniisip Mo?
Kung minsan ang mga bata sa paaralan ay nagsasabi ng masasamang bagay. Paano ko sila patitigilin?
—Isang Taga-France na Pagod Na
Mahal kong Pagod Na,
Hindi mo mapipilit ang sinuman na gumawa ng anumang bagay. Pero kapag mabait kang magsalita, maaaring tularan ng iba ang iyong halimbawa. Makapangyarihan ang mga salita. Lalo na kapag ginagamit mo ang iyong mga salita para sa kabutihan. Ang masasamang salita ay maaaring makasakit, ngunit ang mabuting pananalita ay maaaring makatulong, magpagaling, at magbigay-inspirasyon. Narito ang ilang tip na makatutulong sa iyo.
Ang Kaibigan
Gamitin ang Iyong mga Salita
Kung may nakita kang isang tao na hindi mabait sa iba, sabihin sa kanya na tigilan ito. Narito ang ilang bagay na puwede mong sabihin. Subukang isadula ang mga pagkakataon na maaari mong sabihin ang mga ito.
-
“Pakiusap, tumigil na kayo.”
-
“Hindi OK iyan.”
-
“Hindi mabuti iyan.”