Mga Matulunging Kamay sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo
Kilalanin si Cebisile mula sa South Africa
Kilalanin ang mga batang Primary na tumutulong sa iba, tulad ng ginawa ni Jesus.
Lahat ng tungkol kay Cebisile
Edad: 8
Mula sa: Gauteng, South Africa
Mga Wika: Ingles at Zulu
Mga mithiin at pangarap: 1) Makinig sa pangkalahatang kumperensya.2) Maging propesyonal na gymnast.
Pamilya: Cebisile, Inay, Itay, dalawang nakatatandang kapatid na babae, at isang nakatatandang kapatid na lalaki
Ang mga Matulunging Kamay ni Cebisile
May kaibigan si Cebisile sa paaralan na napakamahiyain. Kapag nasa labas ng klase, hindi nakikipaglaro dito ang iba pang mga bata. Kaya niyaya ito ni Cebisile na makipaglaro sa kanya.
Sa Linggo ng ayuno, nag-ayuno at nanalangin si Cebisile at ang kanyang pamilya para sa mga nangangailangan ng tulong. “Ang paglilingkod sa iba ay nagbibigay sa akin ng masayang pakiramdam,” sabi ni Cebisile. “Gustung-gusto kong gawin ang gagawin ng Tagapagligtas. Gustung-gusto ko ang mainit na damdamin sa puso ko na nagmumula sa Espiritu Santo.”
Mga Paborito ni Cebisile
Lugar: Ang perya
Kuwento tungkol kay Jesus: Nang pakainin ni Jesus ang 5,000 katao ng ilang tinapay at ilang isda lamang
Awitin sa Primary: “Ang Katapangan ni Nephi,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 64–65)
Mga Pagkain: Kota (tinapay na may mga chip, sausage, at keso)
Kulay: Asul na parang langit
Klase sa paaralan: Life skills