Mga Kard tungkol sa mga Bayani sa Banal na Kasulatan
Gupitin ang mga kard, itupi sa tulduk-tuldok na linya, at pagdikitin ng teyp ang mga ito.
Abigail
“Isang babaeng may mabuting pang-unawa.”
-
Siya ay matalino at matwid. Ngunit ang kanyang asawa ay hangal at masama.
-
Isang mandirigmang nagngangalang David ang humingi ng pagkain sa kanyang asawa. Tumanggi ang kanyang asawa. Nagalit si David.
-
Nagpadala si Abigail ng pagkain kay David para hindi saktan ni David ang kanyang asawa. Nagligtas si Abigail ng maraming buhay.
Ezra
“[Hinangad niya] ang batas ng Panginoon.”
-
Isa siyang eskriba. Iningatan niya ang mga banal na kasulatan.
-
Binasa at ipinaliwanag niya ang mga banal na kasulatan sa mga tao para maunawaan nila.
-
Isa siyang mahusay na guro. Tinulungan niya ang maraming tao na matutuhan ang ebanghelyo.