Mula sa Unang Panguluhan
Pagtitipon sa mga Anak ng Ama sa Langit
Hango sa “Pagtitipon sa Pamilya ng Diyos,” Liahona, Mayo 2017, 19–22.
Bago tayo isinilang, nabuhay tayong lahat sa piling ng Ama sa Langit. Mahal Niya tayo nang may sakdal na pagmamahal, at lahat tayo ay magkakapatid. Gumawa ng plano ang Ama sa Langit para tulungan tayong lumago at maging katulad Niya. Isinugo Niya si Jesucristo para tulungan tayong makabalik sa Kanya.
Ngunit hindi alam ng karamihan sa mga anak ng Ama sa Langit ang tungkol sa Kanyang plano. Hindi nila alam ang tungkol kay Jesucristo. Hindi nila alam na maaari silang mabinyagan o mabuklod sa kanilang pamilya.
Nais ng Ama sa Langit na tumulong tayong tipunin ang Kanyang mga anak upang makabalik sila sa Kanya. At makakatulong ka, simula sa iyong mga ninuno.
Pasasalamatan ka ng Ama sa Langit sa pagtulong na tipunin ang Kanyang pamilya.
Narito ang ilang paraan na makakatulong kang tipunin ang pamilya ng Ama sa Langit:
-
Saliksikin ang iyong family history. Maghanap ng mga taong nangangailangan pa rin ng mga ordenansa sa templo, tulad ng binyag at pagbubuklod.
-
Kumuha ng temple recommend kapag nasa hustong edad ka na.
-
Kapag kaya mo, magsagawa ng mga binyag sa templo.
Pagtitipon sa Iyong mga Ninuno
Paano mo matutulungan ang iyong mga ninuno?