2022
Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Oktubre 2022


Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Para sa home evening, pag-aaral ng mga banal na kasulatan,o para lang sa paglilibang!

Mga Punungkahoy ng Katuwiran

A drawing of a paper tree next to scissors and a crayon

Para sa Isaias 58–66

Kuwento: Itinuro ni Isaias na darating si Jesucristo para pagalingin at aliwin ang mga nalulungkot o nangangailangan ng tulong (tingnan sa Isaias 61:1). Sinabi rin niya na ang mga sumusunod sa mga turo ni Jesus ay magiging tulad ng “mga punungkahoy ng katuwiran” (Isaias 61:3).

Awitin: “Aking Nadarama ang Pag-ibig ni Cristo” (Aklat ng mga Awit Pambata, 42–43).

Aktibidad: Magdrowing ng isang puno. Gumupit ng ilang dahon. Isulat sa mga dahon ang mga paraan na tinutulungan ka ni Jesus kapag sinusunod mo ang Kanyang mga turo. Pagkatapos ay idikit ang mga dahon sa puno.

Mga Mamamalakaya ng mga Tao

A boy with a fishing rod with a fish on the end of his line

Para sa Jeremias 1–3; 7; 16–18; 20

Kuwento: Itinuro ng propetang si Jeremias na ang Diyos ay magsusugo ng “maraming mangingisda” para tumulong na tipunin ang Israel (tingnan sa Jeremias 16:15–16). Ibabahagi ng mga taong ito ang ebanghelyo upang makabalik ang lahat sa Kanya.

Awitin: “Sana Ako’y Makapagmisyon” (Aklat ng mga Awit Pambata, 91)

Aktibidad: Maglaro ng larong pangingisda sa pahina 12. Paano ka makakatulong na tipunin ang Israel?

Larong Hulaan sa Banal na Kasulatan

A family playing charades

Para sa Jeremias 30–33; 36; Mga Panaghoy 1; 3

Kuwento: Sinabi ng Panginoon kay Jeremias na isulat ang Kanyang mga salita (tingnan sa Jeremias 36:1–4). Mababasa natin ngayon ang mga ito sa aklat ni Jeremias. Tinutulungan tayo ng mga banal na kasulatan na malaman ang mga salita ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.

Awitin: “Babasahin, Uunawain, at Mananalangin” (Aklat ng mga Awit Pambata, 66)

Aktibidad: Maglaro ng larong hulaan sa banal na kasulatan! Maghalinhinan sa pag-akto ng paborito mong kuwento sa banal na kasulatan. Pahulaan sa lahat kung anong kuwento ang inaakto. Ano ang itinuturo sa iyo ng paborito mong kuwento?

Mga Ugnayan ng Pamilya

Two girls drawing on a piece of paper

Para sa Ezekiel 1–3; 33–34; 36–37; 47

Kuwento: Nagkaroon ng pangitain ang propetang si Ezekiel tungkol sa isang ilog na dumadaloy mula sa isang templo. Sa pangitain, lumaki ang ilog at biniyayaan ang lahat ng dinaluyan nito (tingnan sa Ezekiel 47:1–12). Tulad ng ilog na biniyayaan ang dinaluyan nito, pinagpapala ng templo ang ating pamilya.

Awitin: “Mag-anak ay Magsasamang Walang Hanggan” (Aklat ng mga Awit Pambata, 98)

Aktibidad: Ang family history ay tumutulong na ihatid ang mga pagpapala ng templo sa ating pamilya. Pumunta sa pahina 24 para makita kung paano nalaman ng dalawang batang babaeng taga-Taiwan ang tungkol sa kanilang pamilya. Pagkatapos ay gawin ang aktibidad sa pahina 16. Paano pa ninyo malalaman ang tungkol sa inyong pamilya?

Mga larawang-guhit ni Katy Dockrill