Magasin ng Pamilya nina Liv at Melanie
Hello sa inyong lahat!
Ako si Liv. Ako’y walong taong gulang. Nagtakda ako ng mithiin na gumawa ng family history. Naisip ng nanay ko na dapat kong gawing magasin ang mga kuwento ng aking pamilya. Gustung-gusto namin ng nakababata kong kapatid na si Melanie ang ideya. Sinimulan namin iyon kaagad.
Para sa aming isyu sa Hulyo, ininterbyu namin ang mga kapamilya na ang mga kaarawan ay sa Hulyo. Narito ang ilan sa mga tanong: (1) Ano ang paborito at hindi mo paboritong regalo sa kaarawan? (2) Ano ang paborito mong lasa ng birthday cake? (3) Anong maikli pero kawili-wiling mga kuwento sa buhay ang maibabahagi mo sa amin?
Pagkatapos ay ginawa namin ang isyu para sa Agosto. Ang tema ay Araw ng Ama. Una, ininterbyu namin ang lahat ng ama sa aming pamilya. Tinanong namin kung anong regalo sa Araw ng Ama ang pinakagusto nila. Pagkatapos ay ininterbyu namin ang apat na anak na lalaki sa mga kamag-anak at hinilingan silang magkuwento tungkol sa kanilang mga ama. Gustung-gusto kong gawin ang isyung ito dahil sa lahat ng nakakatawang kuwentong ibinahagi.
Kadalasa’y nakikita ko lang ang mga kamag-anak ko kapag Chinese New Year. Pero ang paggawa ng magasin ng family history ay nakatulong sa akin na mas makilala sila. Noong una medyo kinabahan akong kausapin ang mga kamag-anak na hindi ko gaanong kilala. Pero sa paglipas ng panahon, naging mas madali na iyon at masaya pa nga. Nagpapasalamat ako sa pamilyang ipinagkaloob sa akin ng Ama sa Langit.