Hello mula sa Guatemala!
Samahan sina Margo at Paolo habang nilalakbay nila ang mundo para malaman ang tungkol sa mga anak ng Ama sa Langit.
Ang Guatemala ay nasa Central America. Mga 17 milyon ang mga taong nakatira doon.
Kasayahan sa Labas
Sama-samang naglalaro ang mga batang ito sa oras ng break sa paaralan. Ano ang paborito mong laro na malalaro sa labas?
Pagtulong sa Bahay
Paano ka tumutulong sa bahay? Tinutulungan ng batang babaeng ito ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagkolekta ng mga itlog.
Pepián
Ang nilagang ito ay may karne, mga pampalasa, at mga gulay. Nagmumula ito sa mga sinaunang taong Mayan.
Napakagandang Musika
Ang marimba ang pambansang instrumento ng Guatemala. Tinutugtog ito sa pamamagitan ng paghampas ng mga mallet sa mga kahoy.
4 na Templo
Ang Guatemala ay may dalawang templo, at may dalawa pang itatayo! Ito ang templo sa Quetzaltenango.