Pananatiling Ligtas Online
Narito ang ilang tip para matulungan kayong maging matalino online.
GAWIN: Maging magalang at may konsiderasyon. Madaling magpakalat ng kabaitan online!
GAWIN: Gamitin ang media sa isang lugar kung saan may ibang mga tao. Kung sa palagay ninyo ay kailangan ninyong itago ang isang bagay, malamang ay hindi ito mabuting gawin.
GAWIN: Sabihin sa isang magulang o pinagkakatiwalaang adult ang tungkol sa anumang mensahe, video, o larawan na nagpapadama sa inyo ng pagkabalisa, takot, o pag-aalala.
GAWIN: Tandaan na may kamangha-manghang mundo sa labas ng inyong cell phone o computer!
GAWIN: Makinig sa Espiritu. Tandaan, ang Espiritu Santo ang “magbibigay-alam sa inyo ng lahat ng bagay na nararapat ninyong gawin” (tingnan sa 2 Nephi 32:5)—kahit sa online!
HUWAG: Tumugon sa anumang masasakit na komento, text, o mensahe. Mas mabuting harangan, i-delete, o balewalain ang mga ito.
HUWAG: Maniwala sa lahat ng nababasa o nakikita mo. Hindi lahat ng nakikita mo online ay totoo.
HUWAG: Makipag-chat o magbahagi ng mga larawan mo sa mga taong hindi mo kilala sa tunay na buhay.
HUWAG: Magbahagi ng personal na impormasyon maliban kung sabihin ng magulang na OK ito. Hindi mo dapat ibahagi ang iyong password, kapanganakan, address, numero ng telepono, o kahit ang buong pangalan mo online.