Pagsasalita sa Soccer Camp
Tanghalian na! Magsisimula tayong magpraktis ulit sa loob ng 30 minuto.
Uy, tingnan mo ito!
Hindi tayo dapat tumingin sa ganyang mga bagay.
Para kang bata.
Kalaunan noong gabing iyon …
Hoy, pare. Gusto naming pag-usapan ang nangyari sa soccer camp.
Tumawag ang isa sa mga ina ng mga batang lalaki at sinabi na may ilang batang tumitingin sa mga larawan ng mga taong walang damit.
Oo nga. Sinikap kong huwag tumingin.
Alam namin. Sinabi ng ina na lumayo ka.
Paano mo nalaman na dapat kang umalis?
Pinag-usapan namin kung paano naging masama ang mga larawang iyon. At sumama ang pakiramdam ko nang makita ko ang mga iyon.
Iyon ang Espiritu Santo na nagsasabi sa iyo na mali iyon.
Ipinagmamalaki ka namin.
Maaari mo kaming kausapin palagi kapag may nangyayaring ganito, OK?
OK po. Salamat sa pagkausap sa akin.