2022
Mahal na mga Magulang
Oktubre 2022


Minamahal na mga Magulang,

letter to parents

Paano ginagamit ng inyong pamilya ang media? Kapag ginamit nang maayos, ang teknolohiya ay isang kasangkapang tumutulong sa atin na matuto ng mga bagong bagay at manatiling nakikipag-ugnayan. Maaari ninyong turuan ang inyong mga anak na gumawa ng matalino at ligtas na mga pagpili sa media. Para makapagsimula, basahin ang kuwento sa pahina 14. Pagkatapos ay tingnan ang mga tip sa pahina 36. Maaari din ninyong puntahan ang pahina 16 ng Liahona sa buwang ito para tulungan ang inyong pamilya na gamitin ang teknolohiya sa mabuting paraan.

Nagmamahal,

Ang Kaibigan