2023
Kumonekta
Marso 2023


“Kumonekta,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mar. 2023.

Kumonekta

Rikuto I.,

16, Japan

Larawan
binatilyo

Larawang kuha ni Sayaka Okubo

Ako si Rikuto, at ako ay taga-Matsudo City, Japan.

Sa isang aktibidad sa family home evening, ginamit ko ang Family Tree app para malaman kung sino ang aking mga ninuno at kung ano ang buhay nila noon. Nagulat akong malaman na ang isa sa aking mga ninuno ay naging isang cavalryman na nagbantay sa isang Japanese emperor na nabuhay noong araw.

Mahilig akong maglaro ng soccer, pero dahil miyembro ako ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, ayaw kong maglaro sa araw ng Linggo. Mahirap para sa akin na sabihin sa coach ko na hindi ako makakapagpraktis sa araw ng Linggo, pero nang ipaliwanag ko na nagsisimba ako, hinayaan pa rin niya akong sumali sa team.

Dahil hindi ako nakakapagpraktis sa araw ng Linggo, hindi palaging tiwala ang mga kasamahan ko sa antas ng aking kakayahan. Ipinagdasal ko na makatuon at makapaglaro ako nang maayos sa oras ng praktis, dahil wala akong gaanong oras na magpraktis na tulad ng iba pa sa team. Nang dumating ang huling tournament, inanyayahan akong sumali sa laro. Alam ko na tinulungan ako ng Diyos na makamit ang mithiing iyon.

Print