“Lumapit sa Kanya,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mar. 2023.
Taludtod sa Taludtod
Lumapit sa Kanya
Inaanyayahan tayo ng Tagapagligtas na ipabalikat sa Kanya ang ating mga pasanin.
Lumapit kayo sa akin
Maaari tayong lumapit sa Tagapagligtas sa pag-aaral ng Kanyang ebanghelyo, pagsampalataya sa Kanya, pagsisisi, paggawa at pagtupad ng mga tipan, at pagsunod sa Kanyang halimbawa.
nanlulupaypay … lubhang nabibigatan
Ang pisikal na pagsisikap at pisikal na mga pasanin ay maaaring makapagod sa atin, pero gayon din ang mental, emosyonal, at espirituwal na mga pasanin. Inaalok sa atin ng Tagapagligtas ang Kanyang kapayapaan, anumang uri ng mga pasanin ang maaaring binabalikat natin.
pamatok
Ang pamatok ay isang kasangkapan sa pagtatali sa dalawang hayop para sabay nilang mahila ang isang kargada, tulad ng isang araro o isang bagon. Ang pamatok kadalasan ay may biga na gawa sa kahoy na nakapatong sa balikat ng bawat hayop, para magpantay ang bigat.
matuto
Maaari tayong matuto tungkol kay Jesucristo sa pag-aaral ng Kanyang mga turo at Kanyang halimbawa—at sa pagsisikap na sundin ang mga iyon.
pahinga
Ang kapahingahan ng Tagapagligtas ay ang Kanyang kapayapaan, na nagpapanatag sa ating isipan at espiritu. Tinutulungan Niya tayong madaig ang mga alalahanin ng mundo at binibigyan tayo ng espirituwal na lakas kapag nanghihina tayo.
madali … magaan
Ang ibig sabihin ng pasanin natin ang pamatok ng Tagapagligtas ay ibigkis natin ang ating sarili sa Kanya sa mga tipan. Ang ibig sabihin nito ay ibigay ang ating puso sa Kanya at sa Kanyang gawain. Kapag ginagawa natin ito, gumagaan ang ating mga pasanin dahil tinutulungan Niya tayo.