“Nagsusugal ang mga kaibigan ko. Alam kong mali iyon. Paano ko iyon ipaliliwanag sa kanila?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mar. 2023.
Tuwirang Sagot
Nagsusugal ang mga kaibigan ko. Alam kong mali iyon. Paano ko iyon ipaliliwanag sa kanila?
Ang ibig sabihin ng pagsusugal ay pagsasapalaran ng pera sa mga sugal o pagpusta sa mga kahihinatnan ng mga bagay-bagay. “Ang Simbahan ay hindi sumasang-ayon at nagpapayo laban sa pagsusugal sa anumang uri nito. Kabilang dito ang mga [pustahan] sa mga laro at mga loterya na itinataguyod ng pamahalaan” (Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 38.8.17, ChurchofJesusChrist.org).
Iniiwasan natin ang pagsusugal sa maraming kadahilanan. Hindi lamang ito pagsasayang ng oras at pera, kundi maaari din nitong sirain ang buhay ng mga tao. Maaari itong maging pagkahumaling, at maging adiksyon pa nga.
Gayundin, itinuturo ng pagsusugal na may makukuha ka nang walang kapalit. Mapanganib at maling paniniwala iyan. Ang pagkapanalo sa pagsusugal ay malamang na hindi mangyari at hindi maaasahan. Ang tagumpay na pinaghirapan mo ay mas kasiya-siya, maaasahan, at pangmatagalan.
Kung may mga kaibigan kang nagsusugal, maaari mong subukang tulungan sila. Maaari mong sabihin sa kanila—at, ang mas mahalaga, ipakita sa kanila—na may mas maiinam na paraan na mapag-uukulan ng iyong panahon at pera. Maipapakita mo sa kanila na mas maganda ang buhay kapag hindi mo ipinagsasapalaran ang iyong pera at kapakanan sa isang gawing nagdudulot ng kawalan ng katatagan at kahirapan sa napakaraming tao.