2023
Paano ko mas matutulungan ang mga kaibigan kong hindi aktibo sa Simbahan na palakasin ang kanilang patotoo?
Marso 2023


“Paano ko matutulungan ang mga kaibigan kong hindi aktibo sa Simbahan na palakasin ang kanilang patotoo?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mar. 2023.

Mga Tanong at mga Sagot

“Paano ko matutulungan ang mga kaibigan kong hindi aktibo sa Simbahan na palakasin ang kanilang patotoo?”

Maging Isang Pagpapala sa Iba

dalagita

“Kapag sinisikap kong tulungan ang isang kaibigan na mapalakas ang kanyang personal na patotoo, sinisikap kong maging pagpapala at suporta sa kanyang buhay. Sinisikap kong maging isang halimbawa at ipakita sa kanya na mapapalakas ng ebanghelyo ni Cristo ang kanyang mga pakikipagkaibigan at relasyon sa pamilya kung sisikapin niyang maging masunurin at matwid. Gusto ko siyang tulungang madama na may nagmamahal sa kanya.

Selina O., 19, Bolivia

Laging Mag-anyaya

“Matuturuan mo ang iyong mga kaibigan tungkol sa pagmamahal at awa ni Jesucristo at kung paano Niya sila matutulungan. Anyayahan silang sumama sa iyong magsimba at dumalo sa mga klase ng mga kabataan. Makakatulong ito sa kanila na magkaroon ng malakas na patotoo kay Jesucristo.”

Shara R., 12, Colombia

Kaibiganin Muna Sila

dalagita

“Lagi kong sinisikap na makisama sa lahat at tiyakin na alam ng mga kaibigan ko na iniisip ko sila. Alam ko na maaari akong maging isang liwanag para sa kanila habang iniingatan ko ang aming pagkakaibigan at pagmamahal. Maaari kong anyayahan ang mga kaibigan ko sa mga aktibidad ng Simbahan, pero inuuna ko palagi ang pagiging tunay na kaibigan nila. Palalakasin ng mga kaibigan mo ang kanilang patotoo kapag nakita nila ang iyong mapagmahal na halimbawa at mapagsuportang pakikipagkaibigan.”

Mia D., 19, Florida, USA

Tutulungan Ka ni Cristo

“Maaaring mahirap magkaroon ng mga kaibigang di-gaanong aktibo, pero gusto kong anyayahan ang mga kaibigan ko sa isang masayang aktibidad ng mga kabataan o sa simbahan kapag nagbibigay ako ng pananalita. Kung nagpapakita sila ng interes, binibigyan ko sila ng Aklat ni Mormon na may kasamang patotoo ko at naka-highlight na mga talata na namumukod-tangi sa akin. Tandaan, tutulungan ka ni Cristo sa anumang sitwasyon.”

Elizabeth B., 15, Florida, USA

Maging Mabait Lang

binatilyo

“Itinanong ko ito sa seminary teacher ko. Sabi niya, ‘Maging mabait ka lang, Jordan. Ginagawa mo na ang tama.’ Noong una, naisip ko, ‘Hindi sapat ang maging mabait lang.’ Pero naisip ko ang kaibigan ko na nangailangan ng aking pakikipagkaibigan at halimbawa. Tinulungan ako ng Espiritu na maging mabait at malaman kung ano ang sasabihin. Ngayon, gusto niyang mabinyagan balang-araw!”

Jordan S., 17, Utah, USA