Para sa Lakas ng mga Kabataan
Kumonekta
Enero 2024


“Kumonekta,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ene. 2024.

Kumonekta

Nelina N.

12, Sofia, Bulgaria

Larawan
dalagita

Larawang kuha ni Christina Smith

Kaunti lang ang mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw kung saan ako nakatira. Kinailangan kong hintayin na payagan ako ng tatay ko na magpabinyag, pero gusto ko na talaga. Araw-araw, ipinagdasal ko na payagan niya ako.

Isang araw tumawag siya at sinabi sa akin na puwede akong magpabinyag! Tuwang-tuwa ako! Alam ko na ang desisyon ko ay makakatulong sa akin na sundan ang mga yapak ni Cristo.

Bilang bagong miyembro ng Simbahan, talagang gusto kong maglingkod dahil palagi kong nakikita ang ibang mga tao na naglilingkod. Ipinagdasal ko nang husto na bigyan sana ako ng Diyos ng isang taong paglilingkuran. Isang gabi sa isang panaginip, nakita ko ang isang babae sa subway na nangangailangan ng tulong matapos mahulog mula sa kanyang upuan. Kalaunan, habang nagbibiyahe kami ng tatay ko sa subway, nakita kong nahulog ang isang babae mula sa kanyang upuan. Iyon mismo ang babaeng nasa panaginip ko! Isang sagradong karanasan para sa akin ang matulungan siya.

Print