“Sino ang nakakita sa mga laminang ginto bukod kay Joseph Smith?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ene. 2024.
Tuwirang Sagot
Sino ang nakakita sa mga laminang ginto bukod kay Joseph Smith?
Bukod kay Joseph Smith, nakita ng 12 taong ito ang mga laminang ginto:
Ang Tatlong Saksi: Oliver Cowdery, David Whitmer, at Martin Harris Ipinakita sa kanila ng anghel na si Moroni ang mga lamina, pinatotohanan ang mga ito, at inutusan ang tatlong lalaki na magpatotoo tungkol sa mga ito.1
Ang Walong Saksi: Christian Whitmer, Jacob Whitmer, Peter Whitmer Jr., John Whitmer, Hiram Page, Joseph Smith Sr., Hyrum Smith, at Samuel H. Smith. Ipinakita sa kanila ni Joseph Smith ang mga lamina at hinayaan silang hawakan ang mga ito.2
Mary Whitmer: Ipinakita sa kanya ng anghel na si Moroni ang mga lamina at pinanatag siya dahil sa mga pasaning kinailangan niyang dalhin sa pangangalaga sa walong anak at tatlong panauhin habang isinasalin ang Aklat ni Mormon sa kanyang tahanan.3
Nasulyapan ni Josiah Stowell ang isang sulok ng mga lamina. At hindi bababa sa apat na iba pa ang bumuhat sa mga laminang ginto habang nasa isang lalagyan o nakabalot ang mga lamina: Lucy Mack Smith, Emma Smith, William Smith, at Katharine Smith.4
Wala ni isa sa 17 taong ito ang nagkaila kailanman sa kanilang nakita at naranasan.