Para sa Lakas ng mga Kabataan
Isang Disipulo ni Jesucristo
Enero 2024


“Isang Disipulo ni Jesucristo,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ene. 2024.

Taludtod sa Taludtod

Isang Disipulo ni Jesucristo

Tingnan kung paanong angkop din sa iyo ang paglalarawan ni Mormon tungkol sa kanyang sarili.

ang propetang si Mormon

disipulo ni Jesucristo

Ang ibig sabihin ng salitang disipulo ay isang taong natututo mula sa isang guro o panginoon (tulad ng isang estudyante o apprentice).

Ang mga disipulo ni Jesucristo ay natututo mula sa Kanya, sumusunod sa Kanyang mga turo, at nagsisikap na maging katulad Niya.

tinawag niya upang ipahayag ang kanyang salita

May mga taong may espesyal na calling na ipahayag ang salita ni Cristo, tulad ng mga missionary. Pero sa pamamagitan ng ating mga tipan, nangangako tayong sundin ang Kanyang mga utos, kabilang na ang utos na maging ilaw sa sanlibutan (tingnan sa Mateo 5:14–16). At ipinapahayag natin ang kahandaan nating “tumayo bilang mga saksi ng Diyos sa lahat ng panahon at sa lahat ng bagay, at sa lahat ng lugar” (Mosias 18:9).

Bawat miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay tinawag upang tumulong sa pagsasakatuparan ng gawain ng Panginoon at ibahagi ang Kanyang ebanghelyo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 38:40–41).

buhay na walang hanggan

Ang ibig sabihin ng buhay na walang hanggan ay buhay sa kahariang selestiyal sa piling ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Ito ang gantimpala para sa mga taong may pananampalataya kay Jesucristo, nagsisisi, gumagawa at tumutupad ng mga tipan, at nananatiling tapat hanggang wakas.

Sabi ng Panginoon, “Ito ang aking gawain at aking kaluwalhatian—ang isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao” (Moises 1:39). Tinutulungan Siya ng mga disipulo na maisakatuparan ang Kanyang gawain.